WordCamp Philippines 2010

KnP Calendar

September 2010
S M T W T F S
« Aug «-»  
 1234
567891011
12131415161718
19202122232425
2627282930  

KnP Time

KnP Groups

KnP Games


Ask Me Anything

P:MM - First Reading

Sa Dominican College Sta.Rosa ako nag elementray. From grades 2-6, dun ako nag-aral. Mabait akong bata at medyo above average ang aking kagalingan sa klase. Medyo gwapo rin ako nung bata ako. May kakulitan ako kung minsan pero hindi matatawaran ang pagiging mukhang anghel ko.

Mga madre ang nagpapatakbo ng eskwelahan namin. May kanya kanyang kagalingan din sila. May marunong mag organ, may magaling magturo ng Math, may mahusay makitungo sa mga bata at meron din magaling sa kusina. Iba talaga ang diversity ng mga madre.

Gaya ng ibang Catholic Schools, nagdadaos kami ng misa kada First Friday of the month. Grupo ng mga estudyante ang kumakanta sa misa, may mga naka-asign din na magbabasa ng first reading at responsorial psalm, at grupo ng mga kalalakihan din ang tumatayong altar servers.

Grade 4 ata ako nun. Bata pa ang school namin kaya kakaunti pa lang ang population. Pinakamatanda na siguro ang 3rd year HS. Kada buwan, may sponsor ng First Friday mass. Panahon din ata ng Setyembre nang mag sponsor ang klase namin, at ako ang napili na mag First Reading. Wala naman silang ibang mapipili kaya umoo na rin ako.

Ginagalingan ko talaga ang pagpa-practice sa pagbabasa ng English. Lectionary ang gamit namin nun. Simple lang naman ang mga salita doon kaya hindi mahirap bigkasin. Sigurado akong kayang kaya ko ito. Dalawang pasada lang na mahusay na practice, ayos na sa akin.

Nagsimula na ang misa, matapos ang Papuri sa Diyos, naupo na ang lahat. Umakyat na ako sa Podium at binuksan ang Lectionary. Nakita ko naman kagad ang pahina ng Reading na dapat kong basahin. Sinimulan ko na ang pagbabasa.

Kalagitnaan ng aking pagbabasa, napansin ko na hindi ko na-practice ang sasabihin ko pag tapos ko na basahin ang Reading. Last 2 sentences na lang ang binabasa ko at ang tanging nasa isip ko ay “The GOSPEL of the lord…” Pero hindi Gospel ang binabasa ko. First Reading lang.

Sinisipat ko ang ibaba ng pahina, wala doon ang pantapos na dapat kong sabihin. No choice ako, dapat ko gawan ng paraan ito. Bahala na sa diskarte.

Tapos na ang huling salita ng First Reading. Bahala na. Sinabi ko na lang nang mahina,

“The Gospel of ….”

“THE WORD!” — May nagtalk over sa akin. Isang boses ng madre, galing sa bandang kanan ko kung saan nakapuwesto ang choir.

Inulit ko na lang ang sinabi ng madre. This time, mas malakas kesa sa pagkakabigkas ko kanina at sa pagkakabigkas niya, “THE WORD OF THE LORD.”

Sumagot naman ang madlang people, “Thanks be to God.”

Pagbaba ko ng altar, hiyang hiya ako sa maliit na kapalpakan ko. Ayoko kasi nang nagmumukhang palpak sa harap nang maraming tao. Wala naman nagsabi na palpak ako, pero alam ko sa sarili ko na nagkamali ako. Tinuloy ko ang misa na iniisip kung bakit na miss out ko pa yung detail na yun.

Sinalba ako ng madre. Hindi ko siya napasalamatan sa pag-coach niya sakin. Nakalimutan ko na ang name niya pero naaalala ko pa ang mukha niya. Teacher ko ata siya sa Christian Living class ko noon. Kung mababasa man niya ito, taus puso akong nagpapasalamat sa pag-save niya sa akin.

Tuwing Wednesday, magb-blog ako tungkol sa naaalala ko sa aking kabataan. Ito ang aking “Project:  Memory Miyerkules” .

Layunin nitong maisulat paunti unti ang aking talambuhay.

Share and Enjoy:
  • Facebook
  • Twitter
  • email
  • Google Bookmarks
  • MySpace
  • StumbleUpon

Happy Birthday to you

Papasok ako sa trabaho kanina. Kahit na Holiday ngayon, pinili ko pa rin pumasok dahil walang Rework Agent sa floor. May training kasi yung isa naming kasama at mababakante ang floor ng limang oras. Hindi maaari yun.

Yung pangatlong salin ng Jeep ko. Napasakay ako sa Jeep na minamaneho ng isang lalake na  walang maisip na maipagawa sa mga chikiting niya (dahil nga holiday at walang pasok). Nagtitipid siguro sila o talagang gawain lang nila yun, isang pamilya sila sa harap ng sasakyan. Si tatay na driver, si nanay na konduktor, at dalawang bata; isang lalake at isang babae. Mas nakatatanda yung lalake pero magkasing-level lang ang kulit nila.

Nagbayad na ako ng pamasahe, hindi ko ugali ang mga wantutri.

Naririnig ko na medyo paos ang boses nung babae. Lumalabas na tunog lalaki din ang boses niya. Kaya para malaman ko kung sino ang nagsasalita, tinitignan ko sila. Uhugin sila pareho. Bilang pansalo ng kanilang uhog, yung good morning towel na naka-issue sa tatay nila mula sa PISTON.

Naisipan ng batang lalaki na iangat sa dalawang kamay niya ang twalyita. Ginawa niya ito na parang tray na may laman na kung ano. Kakaiba ang imagination ng mga bata kaya tinalasan ko ang pandinig ko para maintindihan kung ano ang nilalaro nila.

Kumakanta pala ng happy birthday to you ang batang lalaki. Pinapalitan niya ang pangalan ng tao ang “to you” at nang matapos ang kanta, biniblow niya ang tuwalya na parang cake.

Sunod naman ang kapatid niyang babae sa pagkanta. Sa totoo lang, pareho silang wala sa tono.

“Happy Birthday Dabit. Happy Birthday Dabit. Happy Birthday Happy Birthday Happy Birthday Dabit.”

Nang matapos ang kantang ito, inulit nanaman nila, this time para sa isa pang kaibigan.

“Happy Birthday Dyuli. Happy Birthday Dyuli. Happy Birthday Happy Birthday Happy Birthday Dyuli.”

Hindi pa sila natapos.

“Happy Birthday Papa. Happy Birthday Papa. Happy Birthday Happy Birthday Happy Birthday Papa.”

Sapilitan nilang pinablow ng twalyita ang tatay nilang driver.

“Happy Birthday Mama. Happy Birthday Mama. Happy Birthday Happy Birthday Happy Birthday Mama.”

Tawa ng tawa ang nanay nila dahil alam nitong sa dami ng kakilala ng magkapatid, hindi matatapos ang kanta.

Bumaba na lang ako ng jeep, kumakanta pa rin ang mga bata ng Happy Birthday, hindi ko narinig gaano ang pangalan pero tunog “Bantay”

Kahit hindi birthday ng tao o hayop, kinantahan nila. Ahaha

— Happy Birthday nga pala sa lahat ng may Birthday ngayong month ng August. Lalung lalo na ang may birthday ngayon na si TL Kristhel at ang aking pinsan na si Riapot.

Share and Enjoy:
  • Facebook
  • Twitter
  • email
  • Google Bookmarks
  • MySpace
  • StumbleUpon

SC2XP: Prologue

My friend Clifford intoduced me back to the game of StarCraft. 2 weeks after the release, he has already installed StarCraft 2: Wings of Liberty to his home computer. It is the latest game from Blizzard Entertainment, and considered a game which was a decade in the making. The last time I played StarCraft was when I was still in High School; about 10 years ago.

He would not let me play his account at first. Well, becuase he is still under placement matches and could not afford to lose. Good thing the StarCraft kit would come with 2 Guest Accounts that you can activate using your Battle.net logins. A guest account would allow you to play the game for 7 hours or within 14 days – whichever comes first.

Unlike other Downloadable Games; Starcraft 2 can not be played offline. You need to login to your Battle.net account before entering the SC2 panel. Campaigns, Custom Games, Quick Matches and Challenges can only be launched if you are inside the SC2 panel. Blizzard has made it impossible to play without purchasing an account with them.

Good thing I already have a Battle.net account. I remember creating it when I tried out World of Warcraft. Sitting in front of Clifford’s PC, I visited Battle.net. I added a game and thoroughly entered the guest account Game Key. The system automatically added a new game to my list, which then allowed me to enter the SC2 panel.

I only have 7 hours of game time.

I did not waste my limited game time on playing stupid campaigns and challenges. I quickly added buddies with the help of the SC2 panel’s facebook buddy lookup and got a list of about 6 buddies. Shuren, was online and we were able to play the game.

Shuren then invited me to his party and tried to lookup for a match. I chose Protoss as my race because i know for a fact that I am good at this race. I want to see Zealots, Dragoons, Carriers and Interceptors again.

The game started.

Although I felt High School all over again, I still see myself as a  stranger to this whole new world of StarCraft 2. The Nexus has a strange ability which needs about 25 energy to boost the training speed of buildings. As the game goes, I could hear Clifford at the back of my seat coaching me what I would do next.

The game ended quickly with my teammate Shuren doing all the job. All I ever built was 4 Pylons, 1 Gateway, a dozen of Zealots and 3 dozens of Probes. My first game would be a pea as compared to Shuren’s. I felt useless.

This has to stop. I need to practice and play more.

SC2XP would be about my StarCraft 2 Gaming Experience. Here I will discus what I think about the game. I hope I can help all SC2 players with my stories of success and failures.

Share and Enjoy:
  • Facebook
  • Twitter
  • email
  • Google Bookmarks
  • MySpace
  • StumbleUpon

simpol

Busy ako sa trabaho, nakaupo ako araw-araw sa harap ng aking monitor. Nagku-query ako ng mga open cases at pilit na niri-resolba ang mga hindi kayang ma-close ng mga agents. Ganun ang trabaho ko bilang isang Rework Agent.


Pag minsang pupunta ako ng CR, maglalakad ako sa aisle na puro agent na nagko-calls. Bago ako makarating sa CR, may magtatanong muna sa akin at magpapatulong sa mga problema nila sa customer. Parte ng trabaho ko ang pagtulong sa mga nahihirapan. Superhero na trabaho kung maituturing, pero syempre, may kapalit na paggalang galing sa mga agents, at sweldo galing sa kumpanya. Pag alam na ng agent ang gagawin, saka lang ako makakapag-CR.


Ganyan ang trabaho ko ngayon. Masaya naman ako sa ginagawa ko. Hindi ganun kahirap dahil nakasanayan ko na. Madalas ako masigawan ng kausap ko sa telepono pero ayos lang, kasama yun sa job description ko. Kahit murahin ako ng paulit ulit sa wikang Ingles, ayos lang, di ko naman pinapansin yun gaano. Lumalabas lang sa kabilang tenga ko.


May kanya-kanya tayong hirap sa ginagawa natin ngayon. Dahil medyo magaan naman ang aking trabaho, at alam kong hindi naman kita kayang tulungan sa ginagawa mo, hayaan mo nang pangitiin ka ng mga simpleng ginagawa ko. Mga simpleng kumusta, mga simpleng hello, mga simpleng good morning at good night. Hindi naman kawalan sakin ang boses na ginagamit. Wala namang bayad ang mga salitang aking binibitawan.


Hindi mo kailangan magreply. Masaya na ako na napangiti kita.

“Kumusta? Heavy day ba?”

Share and Enjoy:
  • Facebook
  • Twitter
  • email
  • Google Bookmarks
  • MySpace
  • StumbleUpon

P:MM – Summer Lock out

Summer ng year 2000 noon. Walang pasok dahil summer break. Mahusay ako sa school kaya hindi ako nagsa-summer classes. Wala naman ako ginagawa kundi manuod ng TV, makinig sa radyo, at maglibot sa subdivision sa hapon gamit ang bisikletang si Renegade.

1st year going 2nd year HS ako. Bagamat iba na ang school ko, hindi ko pa rin nakakalimutan ang mga tropa ko nung elementary. Masarap kasi silang kasama. Nagchampion na rin kami sa basketball league ng dalawang beses sa team namin na Saints.

« Read more … »

Share and Enjoy:
  • Facebook
  • Twitter
  • email
  • Google Bookmarks
  • MySpace
  • StumbleUpon