Kampeon Ng Pagibig: DTNL o TNL?

Ang inyong lingkod ngayon ay nagtataka.. Parang napaka-brutal naman manghusga ni HayMen. Walang basihan ang manifesto niya ukol sa pagiging Tunay na Lalaki. Ngayon ako nagtataka kung dapat ko bang ipagpilitan ang sarili ko para pumasok lang sa criteria ng kanilang manifesto..

Tignan nga natin..

Manifesto ng Tunay na Lalake

  1. Ang tunay na lalake ay di natutulog. – call center agent ako.. natutulog ako sa umaga
  2. Ang tunay na lalake ay di nagte-text-back, maliban na lang kung papasahan ng load. Gayunpaman, laging malabo ang kanyang mga sagot. – di ako mahilig mag text back. kaya ako nagugulpi ng Hon ko.
  3. Ang tunay na lalake ay laging may extra rice. – minsan, extra plate, lalo na pag di naubos ni Hon ang pagkain niya
  4. Ang tunay na lalake ay hindi vegetarian. – i eat anything.
  5. Ang tunay na lalake ay walang abs. – wala. never ako nagkaron ng abs
  6. Ang tunay na lalake ay hindi sumasayaw. – marunong ako sumayaw noh.
  7. Ang tunay na lalake ay umaamin ng pagkakamali sa kapwa tunay na lalake. – ako na! ako na lang parati!
  8. Ang tunay na lalake ay laging may tae sa brief. – aw.. malinis ang brief ko..
  9. Ang tunay na lalake ay di naghuhugas ng pinagkainan o nagliligpit ng kanyang mga gamit dahil may babaeng gagawa noon para sa kanya. Mas lalong nagiging tunay ang pagkalalake kung di niya kilala o di niya maalala ang pangalan ng babae. – aw.. ako tagahugas ng pinggan kapag nasa bahay nila Hon e.
  10. Ang tunay na lalake ay di nagsisimba. – hindi na ko nakakapagsimba. tulog ako sa umaga kapag linggo. Pero magsisimba ako sa birthday ko.

Samakatuwid. May laban ako para maging TNL. Hindi ko lang alam kung ano ang husga nila.. Wala ako magagawa kung sabihin nila na DTNL ako. Blog nila yun at pwede nila gawin kahit na ano gusto nila.

Teka lang, hindi ko naman sila dapat pagtuunan ng pansin. Hindi naman sila ang pinakikisamahan ko. Basta ako; Nabubuhay, Lumalaban, at Pumapatay para sa PAGIBIG. Kahit na anong mangyari, kung saan may higit na Pagibig. Dun ako.

Isa lang sana gusto kong ipaalala sa inyong lahat.

WALANG GENDER – GENDER SA PAG-IBIG.

0 responses to “Kampeon Ng Pagibig: DTNL o TNL?

  1. Teka lang, hindi ko naman sila dapat pagtuunan ng pansin. Hindi naman sila ang pinakikisamahan ko. Basta ako; Nabubuhay, Lumalaban, at Pumapatay para sa PAGIBIG. Kahit na anong mangyari, kung saan may higit na Pagibig. Dun ako.

    >> may konting drama kahit nakakatawa ung upper part.. 🙂

  2. Ayos! Idol!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *