Book Review: Kapitan Sino

Kakabili ko lang ng librong KAPITAN SINO noong Biyernes. At sa araw rin na iyon, natapos ko ang libro. Gaya ng ibang mga libro ni Bob Ong. Easy-read lang din ang Kapitan Sino. Taliwas sa sinasabi ng website ng kaniyang publisher; hindi ko naman kinailangang ng 27 yr old or above na reading coach para maintindihan ang storya. Siguro kailangan ko yung coach para sa ibang detalye, pero hindi naman puro detalye ang libro.

What I like about the Book:

  1. The cover. Ang cover na disenyo daw ni Klaro de Asis. Kung sino man siya, parang stockholder siya ng silverworks o ng unisilver dahil sa kintab ng libro. Gusto ko ang disenyo dahil nangingibabaw ang pagka-metallic niya kung itatabi mo sa ibang mga libro. At hindi ko alam kung dapat ko ba talagang gupitin yung nakausling parte ng cover. Akala ko bookmark.
  2. Powerbooks. Dun ko nabili ang libro. Powerbooks sa greenbelt. Maaga akong umalis sa bahay para makadaan dun at hindi ma-late sa work. Isang lapit ko lang sa tindero (o tindera ata siya. di ko sure). Alam na niya na Kapitan Sino ang bibilhin ko. Pawis ko pa lang, amoy Kapitan Sino na. At nagtsismisan pa sila ng isa pang tindera nung ginamit ko credit card ko sa pagbayad. Wala ata silang mga credit card at wala rin atang balak na magkaroon.
  3. Ang Atake sa Lipunan. Sakto ang mga patama ng May Akda sa mga tao. Basahin mo na lang kung gusto mo malaman kung anu-ano ang mga iyon.

Mensahe ng Libro.

Sa unang tingin, akala ko, hinihikayat tayo ng libro na maging Superhero sa ating bayan. Ang gawin ang mga kaya natin para ayusin ang problema sa lipunan. Yun naman ata talaga ang paksa ng libro: Si Rogelio na isang taga-ayos ng mga sira-sira appliance, at si Kapitan Sino na taga-ayos ng mga sira-sirang bagay sa lipunan. Yun lang ang naiisip ko na mensahe ng libro para sa akin, sa oras na basahin ko ang huling mga talaga sa libro.

Pero parang hindi. Matapos ang ilang oras na pagmumuni-muni, at ilang pagtulog at pananaginip sa kung sinu-sino, parang hindi yun ang gusto ko gawin.

Parang ayoko ng Superhero.

Dahil kung ang mga taong umaasa sa iba, walang patutunguhan na maganda. Habambuhay kang aasa. At kung wala na ang pader na sinasandalan, maghahanap ka ng ibang poste na makukublihan. Hindi ganun ang kailangan ng ating lipunan. Hindi isang Superhero ang hinanahanap ng sambayanang Pilipino.

Itatanong mo sa akin kung ano?

Basahin mo ang libro.

Kapitan Sino

Kapitan Sino

** Bob Ong – Kampeon ng Pagkwento.

0 responses to “Book Review: Kapitan Sino

  1. nakakaaliw nga si bob ong. makabili nga.

    tiara’s last blog post..Take me back

  2. woot. another book made by my favorite author, well not so much.. pero one of the best entertainer. MC arthur di ko pa tapos basahin eh. kaya di muna ako bibili.

  3. itong librong to ang pinakapaborito kong libro ni bob ong! parang ansarap gawing movie.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *