Trabaho: 46 tickets

Sa wakas, dumating na rin ang pinakahihintay ko; ang makuha ang raffle tickets para manalo ng iPod Touch. At dahil isa akong performer, (sa trabaho man o sa stage) binigyan ako ng 46 tickets.

Isang campaign kasi ang pinapatakbo ng aming kumpanya para ma-motivate ang mga empleyado. Para sa akin, effective ang ganitong campaign, dahil alam mo na sa kahit na anong hirap ang ipagawa sa iyo, alam mo na may makukuha ka na higit sa iyong basic pay. Maswerte nga kami at meron pa kaming ganito, samantalang ang ibang mga kumpanya, nagtatanggalan na ng mga empleyado. Pasalamat na lang ako at hindi ako natatanggal, kahit na medyo pasaway ako minsan.

46 raffle tickets, maari ko itong ipagyabang. Madami yung 46. Yung iba sa amin, 23 lang, o kaya 19 tickets lang. Isa ako sa mga top performer kaya hindi kataka-taka na makakuha ako ng ganito karami.

Pero tandaan natin na raffle ito. Walang kwenta ang dami ng tickets mo kung hindi naman ito mabubunot. Wala naman itong kwenta kung mahahalo lang sa ibang mga ticket ng ibang tao at maiiwan sa tambiyolo. Kulang ang isipin lang na nagawa mo na ang lahat ng kaya mo. Kadalasan, kailangan mo ng higit na swerte para manalo.

Kung mabubunot ang ticket ko, edi masaya. Kung hindi naman, ok lang. Basta para sa akin, sapat na ang nagawa ko. At dahil higit pa ang nagawa ko kesa sa mga nagawa ng iba, may karapatan ako magyabang. 46 tickets yun. Hindi basta-basta.

Ipagpi-pray ko na mabunot ang napakaswerte kong pangalan. I have 46 chances of winning.

Walang imposible.

I am the best Hosting Agent.

PS.

Just got my 500 SodexHo GC. Top 3 for May.. woohoo!!

0 responses to “Trabaho: 46 tickets

  1. Good luck sana manalo ka. Di ko na tinanong bakit promking name mo kasi obvious 🙂 hahahaha. Try mo magmention ng blog na you think is influential doesn’t need to be your blog. Sila kasi they think they have something to give that influences others so malakas loob nila magnominate. I classify your blog as a personal blog btw.

    earthlingorgeous’s last blog post..Update On Earthlingorgeous Search For Emerging Influential Blogs

    • ay. hindi naman po ganun ka obvious e.

      na-nominate na po yung mga blog na gusto ko i-nominate. watch out ko na lang po kung sino ang mananalo..

      thanks po sa pag linklove.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *