New phone, New number.

Sa wakas, after 2 week of waiting,  nakuha ko na rin ang bundle na gusto ko; bagong cellphone at bagong number. Ginusto ko talaga to, at alam kong costly siya para sa iba, ayoko na ng hassle.

Nasira kasi ang cellphone ko na Nokia 6300 china edition. Nung dati, yung number 7 lang niya ang hindi gumagana, therefore wala akong letters PQRS. Pagkatapos ng ilan pang pagsubok, ayun, bumigay na rin. Ayaw na niya magcharge. Kapag sinasaksak mo, para na siyang christmas light. Wala nang kwentang ipaayos pa.

q9h at your hands

So ngayon, sa tulong ng tipidcp.com, nakakuha ako ng cellphone na gusto ko. Isa siyang qwerty phone from Motorola. Ang tawag sa kanya ay q9h, pero ang tawag ko sa kanya e Mharlon. Kasi, Mharl ang name nung nagbenta sa akin nito. Magandang ka-deal si Mharl. Isa siya sa nagpapasaya sa community ng tipidcp.

Malakas ang music niya, maganda ang earphones, matagal ang buhay niya (both standby and talktime) at higit sa lahat, mukha siyang gwapo tignan. Medyo weared out na nga lang siya dahil sa gasgas at bakbak na border lines pero ok naman. Tinitignan tuloy namin ang option ng pag G-mask.

Kasabay ng pagkuha ko ng phone, ineexpect ko na rin na mag activate yung linya ko sa globe. Oo, mas pinili kong mag postpaid kesa mag prepaid. Mas gusto ko kasi na walang hassle sa buhay. Mas ok kasi na makakatext ka o makakatawag kung kailan ka kailangan. Ganun naman talaga dapat ang purpose ng mobile phones. Sa awa ng Diyos, na approve ang application ko at na release na ang line ko, may free phone pa. Plan 500 ako ngayon.

Ang pangunahing dahilan ng pagkuha ko ng linya ay dahil nga gusto ko makuha ang aking vanity number. Dahil pinangangatawanan ko na ang website na ito at dahil gusto ko maging professional sa mata ng aking readers, pinili kong makuha ang 0917KAMPEON. Simula ngayon, pag may nagtanong sa akin kung ano ang cellphone number ko, madali ko na masasagot na 0917KAMPEON. Masaya ako sa number ko, at maraming salamat sa pinsan ko na si Ditse JLyn para sa invisble arm of Globe niya.

Panibagong contact information. Sana simula na rin ito ng panibagon pag-asenso.

Isang malaking Sana. Sasabayan ko na lang ng Sipag at Tiyaga.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *