(part 1 of a 3-part series entitled: Pagmamahal versus Pagibig)
Panahon na siguro para ibigay ko ang aking kahulugan ng salitang pagibig.
Nagresearch ako sa internet. “Definition pag ibig”, di na ako umaasang may makuhang magandang sagot. Tama nga ako, hindi makakatulong ang internet sa tanong ko. Tinanong ko ang akin nanay at tatay. Sinabi lang nila sa akin na, “bata ka pa para maintindihan mo ang salitang iyan.” Gusto ko sana sila sagutin ng, “23 years old na po ako!”
Sa mga ganitong paksa at pagkakataon, walang ibang makakatulong sa atin kundi ang ating mga guro. Sinasabi ko sa inyo, ang mga bagay na gaya nito ay hindi natututunan sa loob ng bahay o sa piling ng mga kaibigan. Kung gusto mo ng matinong sagot, magtanong ka sa titser mo. Sa awa ng Diyos, may nakuha akong magandang sagot.
Gaya ng sabi ng aking guro sa Filipino noong ako ay hayskul pa lang, kapag may salita kang gustong bigyang-kahulugan; gumamit ka ng mga teknik. Marami tayong pwedeng pagpilian; context clues, etymology, synonym, antonyms, etc. Sa pagkakataong ito, pinaka angkop ang teknik na rootword anti-derivation; na hahaluan natin ng teknik na synonyms. Imbento ko lang ang unang teknik na nasabi; ito ang tawag ko sa pagkuha ng simplest form ng isang salita.
Ang salitang Pagibig.
Gaya ng natutunan natin DAPAT sa grade 4, ang salitang-ugat ng pagibig ay ibig. Pag sinabi mong ibig, nagbibigay ka ng pagkagusto, may gusto kang makuha, o gusto mong mayroong mangyari.
Samakatuwid, pag sinabi mong iniibig kita, pwede mong intindihin ito bilang; may gusto ako sayo, ibig kitang makuha, o kaya ay gusto kong may mangyari sa atin.
Kung tungkol naman sa mga kagamitan, kapag iniibig mo ang isang bagay, gusto mong mapasaiyo ito. At kung tunay mo ngang ibig ang isang bagay, gagawin mo ang lahat.
When you find her, you fight for her. You risk it all. You put her in front of everything. You’re future, your life, all of it. – The Girl Next Door
Ngayong nabigyang-kahulugan na natin ang salitang pagibig, nais ko kayong anyayahan na magkomento sa ibaba. Ibigay ninyo ang inyong saloobin. Sapagkat sa susunod na edisyon, pagmamahal naman ang ating bibigyang-kahulugan.
ahehe!
sharing a line:
to measure love is to love without measure….
.-= mark´s last blog ..Reasons for sleeping and waking up early. =-.
Pag-ibig?
Pag-ibig sa tinubuang lupa?
Pag-ibig sa kapwa?
Pag-ibig ng magulang sa anak?
Pag-ibig…
.-= darbs´s last blog ..What it takes to be an atheist under Talibanic belief =-.
i hate being in love.:(
pag-ibig ay makapangyarihan lahat ay kayang gawin makamit lamang ang kanyang sinisinta at minamahal…
love can destruct once life especially the teenager today.
miski akoh di ko lam ang love….ang alam koh lang dun pagmamahal ng nanay moh at tatay un lang mski sla…nggl8 pag nagttnong akoh ng love ei,,,,vk8 kya hrap aman isipin nuh mlaki na koh vk8 di nla svihin ang meaning ng love skin tsk tsk kj tlagahxD;
weell, i think your definition of love is just opinionated which means it is tour own point of view right?
actually, this post is about pagibig. another Filipino term of love. there is another word “pagmamahal” which for the life of it, i still dont have time to make definition of.
Pag ibig is related to Greek word Epik.Epik means it will remain its significance forever.
nice to know. maraming salamat.