The Internet: Barrio Siete

For about 3 weeks now, I have been monitoring the news and the buzz on the website called BarrioSiete. This wordpress-powered website has a team of Filipino writers from all over the world. With their leader by the name of Reynz, La Kapitana, they would write about anything and everything that concerns not only them, but the Filipino (in whole or in part) as well.

Teka nga lang, bat ba ako nagi ingles na naman. Sa pagbabasa ko sa website nila, natutunan ko na hindi parati dapat na pormal ang pagsusulat. Para sa blogpost ko na ito, pipilitin ko silang gayahin.

Marami kang matututunan sa website na ito. Bukod sa eternal topic nila na “Social Climbing”, anjan ang pananaw ng kanilang mga writer tungkol sa iba’t iba pang topic, gaya ng pulitika, Miss Universe, Kwentong Barbero, religion, at marami pa. Ok na sa akin na hindi ako bumili ng dyaryo, nakakasagap naman ako ng balita sa BarrioSiete e.

Nadiskubre ko ang website nila noong pagkamatay ni Tita Cory. Halos lahat sila ata, may contribution na stories para ma-cover ang event na ito. Napakasaya ko dahil kahit nasa trabaho ako (at ang iba naman ay nasa kalsada at nakikilibing), nakikitsismis sa Barrio. Para na rin akong nandun sa libing.

Kung ikaw ay makaka-visit sa kanilang page, mapapansin mo na parang tabloid na dyaryo lang ang binabasa mo. Mapapansin mo na may mga salita na wala naman sa diksyunaryong Filipino pero naiintindihan mo ang diwa. Sa kabuuan, madali at masayang basahin ang mga article sa website nila; mas madali pang ispilengin kumpara sa street signs sa EDSA.

Hindi ko naman alam kung bakit BarrioSiete ang pangalan ng website nila. Wala naman ako nakikitang connection between gma7 and them. Ang alam ko lang, ang mga writers nila ay may magagandang credentials. May mga abogado, mga OFW, mga professional; lahat sila magagaling magsulat.

O pano, makitsismis na kayo, bisita na sa BarrioSiete.

** pansinin: Hindi ko kinokonsidera na blog ang website nila dahil para sa akin; ang website ko ay isang blog. kung ikukumpara ang website ko sa kanila, iba talaga ang look and feel.

0 responses to “The Internet: Barrio Siete

  1. i like it dahil informative…with a touch of sietehan. para akong nasa tundo na surrounded with smart people.
    .-= Mr. Nonsense´s last blog ..Soldiers are mothers, too =-.

    • Ano po ba yung word na sietehan?

      Kung parang okrayan yun, that explains siguro kung bakit BarrioSiete ang pangalan ng website nila.

      now i know.

  2. regular visitor din ako doon…
    .-= Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD´s last blog ..PHILIPPINE SVD @ 100 =-.

  3. ok lang yan kahit everyone is hating you for what you said with your post and your message. ang galing nga lang nila kasi yun lang ang highlight dun. the good points na sinabi mo wala na.

    anyway ok lang yan. keep on posting your own post since marami ka na fans dito sa office.

    🙂
    .-= glorien´s last blog ..Movie Review: UP =-.

  4. hello, padaan lang po, pwede ba bumalik balik?! hehehe
    .-= pinkdiaries´s last blog ..Kasiyahan sa piling nyo =-.

  5. oy, andyan ang friend ko, si miss pinkie! (kaway! kaway!)

    hehehe lagalag talaga kami…
    .-= Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD´s last blog ..FREE DAY! =-.

  6. Pingback: Barrio Siete daw is not a blog | Barrio Siete

  7. musta na? padaan lang po!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *