Definition: Bayani

Bayani. ano ba ang salitang bayani?

Noong bata pa ako, isang palabas sa TV ang Bayani. Sa ABS-CBN yun. Dun mo mapapanood si Anna at si Noli na nagta-time travel at nangungupit ng mga bagay mula sa mga kwento ng ating mga Bayani. Makikilala mo sina Andres Bonifacio, Gabriela Silang, ang aking lolo na si Gregorio del Pilar, at ang ating pambansang bestfriend na si Jose Protacio Mercado Alonzo y Realonda Rizal. (alyas pepe)

Para sa iba, ang mga bayani ay mga characters na makikita natin sa mga pera. Sila ang nakakasalamuha natin sa araw araw. Ang pinakapaborito ng mga taong ganito ay si Aguinaldo.

Para sa mga estudyante naman, mga sakit sila sa ulo dahil kailangan pa memoryahin ang araw ng kapnganakan at araw ng pagkamatay nila. Pati talambuhay nila na minsan ay wala namang kinalaman sa kanilang pagkabayani ay hinahalungkat din.

Para sa isang KnP, ano ba ang isang Bayani?

Ang Bayani ay ang nagsasakripisyo ng oras, panahon, yaman, at kung kinakailangan, sariling buhay, para sa kung ano ang mahalaga sa kanya.

Ang Bayani ay nagmamahal.

Para sa akin, ang mga magulang ko ay mga bayani.

Para sa akin, ang mga titser na may maliliit na sweldo ay mga bayani.

Para sa akin, ang mga pari, madre, sundalo, lahat sila mga bayani.

Para sa akin, ang aking si hon ay isang bayani.

August 31

Sa araw na ito, itinuturing na Holiday sa Pilipinas bilang ating pagkilala sa ating mga national heroes; mga nagbuwis ng buhay para sa ating watawat at sa sinisimbolo nito. Sila na mga kinilala natin sa palabas na Bayani.

Sana sa araw rin na ito, kilalanin rin natin ang mga bayani sa buhay natin; mga taong pumoprotekta sa kung ano tayo ngayon; mga taong kung kinakailangan ay magbuwis ng buhay para sa ikasasaya natin.

Ako ba? Bayani ba akong maituturing ng kapwa ko?

0 responses to “Definition: Bayani

  1. base ba ako?!
    .-= pinkdiaries´s last blog ..Kasiyahan sa piling nyo =-.

  2. para sa akin, ang inay ko ang bayani.. bakit?! hhmm, mahaba istorya, baka maiyak pa ako.. hehehe
    .-= pinkdiaries´s last blog ..Kasiyahan sa piling nyo =-.

  3. para saken ang bayani hindi yung binabaril or pinapatay pa sa Bagumbayan para lang maideklarang bayani..ang bayani para saken ung mga taong isinasantabi ang sarili upang pangalagaan ang iba…

    ung bang tipong selfless…bait-baitan ang drama…

    hehehe…nanay ko ang bayani ko..

    pa epal d2 ate ah…^,^
    .-= precious´s last blog ..Gravity nga lang ba talaga? =-.

  4. awtz, sorry…hehehe fenk kc background mo so i suppose! sorry nmn, tao lng! ^,^
    .-= precious´s last blog ..Gravity nga lang ba talaga? =-.

  5. wow danda daw !!!!^_^

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *