EXTRA Special

Araw ng Linggo, special day para sa mga empleyado ng kumpanya namin. Final day ng aming sportsfest na tinawag na Synergy 2009. Kakatapos lang ng finals ng mga ballgames na volleyball, badminton at basketball kung saan ang aming team Vertical ay 1st runner up sa lahat. Hindi na mapakali ang lahat dahil ang susunod na event ay ang cheerdance competition kung saan kasali ang Hon ko.

Nakapag practice na sila. Mga tatlong buwan nilang ginagawa ang practice. Pumayat na silang lahat. Para sa Hon ko, pagbabalik niya ito sa cheering. Ang pagkakaalam ko, cheerleader siya noong college siya sa Misamis University. Apat na taon siyang sumisigaw, ngumingiti, sumasayaw, kasama ng kanyang mga kaibigan. Hindi na bago sa kanya ang ganitong klaseng araw.

Naisip ko tuloy, paano ko gagawing kakaiba ang araw na special na sa simula pa lang.

Simple lang naman ang kaya kong gawin. Yan ay magdagdag ng “extra” sa salitang “special” para maging “extra-special” ito. Sana na gets mo ang sinasabi ko.

Isang linggo bago ang araw na ito. Iniisip ko na ang gagawin ko. Bibili ako ng bulaklak; isang dosena. Kulay pula, kakulay ng uniform nila Hon sa cheering. Dahil wala naman akong maitutulong sa pagme make up ng kanilang mga mukha, may oras pa akong bumili ng bulaklak.

Tatlong araw bago ang naturang event; kinailangan ng magko-cover sa oras ng star player namin sa Volleyball na si Dyosa. Walang ibang available kundi ako lang. Parang ang hirap i-execute ng plano ko, pero sige, tignan natin ang mangyayari.

Buti na lang andyan ang ate ni Hon na si Ate khalene (aka batgirl). Manunuod daw siya; at dahil hindi niya alam kung saan ang venue, susunduin ko siya. Nag agree na lang kami na magkita sa isang landmark at magtetext siya pag andun na siya. Kasama niya pala mga tropa from Ozamiz, at dahil close naman kami ni batgirl, nakiusap ako na kung pwede, siya na ang bumili ng bulaklak. Agree naman siya.

So eto na, gagawa tayo ng eksena, habang kumakain si Hon para sa final snack before the performance, papasok tayo ng gym. Mag-aabot ng bouquet ng flowers, pakikinggan ang hiyawan ng tao at magpi-picture. Sa isang simpleng gesture na ito, sana napaligaya kita Hon.

Maraming nagtanong kung anniversary daw ba namin, ano daw ba okasyon, o birthday daw ba ni Hon. Ang sagot ko, wala lang. Gusto ko lang. Magbibigay ako ng flowers “just because… ” Sapat na sigurong dahilan yun.

Maraming nabitin dahil wala daw pagluhod at proposal na naganap. Ang sagot ko sa kanila, dadating din tayo dyan.

Sa tingin ko, hindi nasiyahan si Hon dahil sa mga bulaklak. Natuwa siya dahil sa effort na binigay ko; effort na kaya kong ipakita sa buong mundo kung gaano ko kagusto na mapasaya siya.

Para sa ibang mga tao, special ang araw na iyon. Pero sinisiguro ko sa inyo, para kay Hon, hindi lang yun special. iyon ay “extra-special”.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *