Daily Archives: 2009-09-07

The Internet: Username Check

Naiinis ka ba kung ang desired username mo ay taken na? Ako oo..

Inaamin ko, hindi lang ako ang promking sa mundo. Sa bawat batch ng High School graduates sa isang school; talagang meron kang matatawag na promking. Wala ka lang makikitang promking kung walang JS (HighSchool) prom ang school na yun.

Pero dahil gusto ko, ako lang ang may codename na promking, kapag nakakakita ako ng website na sikat, nagreregister kaagad ako gamit ang name na promking. Kapag hindi gumana, mag-iisip na ako ng pangalan na gusto ko. Yun ang hassle, ang pag-iisip. Tamad kasi ako pagdating sa pag-iisip.

Sa tulong ng website na usernamecheck.com. Malalaman na natin kung anu-anong mga website ang napag-gamitan na ng ating preferred username. Malakiing tulong ito para malaman natin kung saang “sikat” na website pa tayo pwedeng magregister.

Kung stalker ka naman, pwede mo i-type ang preferred username ng crush mo para malaman mo kung saan na siya nabibilang. Syempre, magme-member ka din dun para masundan mo siya.

Madali lang naman gamitin ang usernamecheck.com. Hindi mo kailangan ng Doctorate.