Daily Archives: 2009-09-09

Maliit pa ang tiyan mo

Si Benedict Ezekhiel ay anak ng kuya ko. So bale, pamangkin ko siya. Pero dahil ginawa nila akong ninong noong binyagan, siya ngayon ay inaanak/pamangkin ko. Sapat na dahilan iyon para bigyan ko siya ng sarili niyang neo-nickname. Ang tawag ko sa kanya ngayon ay Joseph Mathematics. “Joseph” dahil lahat kami ay meron “Joseph” at siya lang ang wala. “Mathematics” para pwede kong tawagin ang kuya ko na “Father of Mathematics”. Cool noh?

Malikot din itong si Mathematics. Kaya na niyang dumapa mag-isa (pero di pa siya marunong makabalik sa pagkakahiga). Marunong siyang sumagot sa mga tanong sa kanya (mga hoo,, at haaa lang). Alam niya rin kung pano punasan ang sarili niyang bibig (parehong proseso lang yun ng paglalaway sa kamay niya). Kaya niya rin umubos ng 1/4 bottle ng S-26 (Gatas pambaby).

Noong 5 months sakto siya, nag-attempt sila mommy na pakainin siya ng gerber. Success naman daw dahil nagustuhan ni Math ang gerber. Dalawang subo lang daw yun. Pero sa liit ng tyan ni Math, sapat na ang dalawang subo. Continue reading