Maliit pa ang tiyan mo

Si Benedict Ezekhiel ay anak ng kuya ko. So bale, pamangkin ko siya. Pero dahil ginawa nila akong ninong noong binyagan, siya ngayon ay inaanak/pamangkin ko. Sapat na dahilan iyon para bigyan ko siya ng sarili niyang neo-nickname. Ang tawag ko sa kanya ngayon ay Joseph Mathematics. “Joseph” dahil lahat kami ay meron “Joseph” at siya lang ang wala. “Mathematics” para pwede kong tawagin ang kuya ko na “Father of Mathematics”. Cool noh?

Malikot din itong si Mathematics. Kaya na niyang dumapa mag-isa (pero di pa siya marunong makabalik sa pagkakahiga). Marunong siyang sumagot sa mga tanong sa kanya (mga hoo,, at haaa lang). Alam niya rin kung pano punasan ang sarili niyang bibig (parehong proseso lang yun ng paglalaway sa kamay niya). Kaya niya rin umubos ng 1/4 bottle ng S-26 (Gatas pambaby).

Noong 5 months sakto siya, nag-attempt sila mommy na pakainin siya ng gerber. Success naman daw dahil nagustuhan ni Math ang gerber. Dalawang subo lang daw yun. Pero sa liit ng tyan ni Math, sapat na ang dalawang subo.

Kinabukasan, may routine checkup si Math sa Lourdes Hospital. Nung malaman ng doktor na nagt-try na si Math mag gerber, pinagbawalan siya. Sabi, dapat puro gatas lang muna daw para ma-build ang bones ng baby. Kawawa naman si Math, adobo na sana ang susunod sa Menu.

Birthday ni daddy last Saturday. Syempre, binilhan namin siya ng cake, at dahil makulit nga si Math, tignan ninyo ang ginagawa ni Math habang naghahanda na magblow ng cake si daddy.

Ready to blow the candle

Ready to blow the candle

At syempre, nun nakalapit na siya, eto na ang ginagawa niya.

Abutin ko yan.. akin na yan..

Abutin ko yan.. akin na yan..

Ayan.. pinipilit niya talaga makaabot sa cake.. Pero dahil alam na ng tatay ko ang plano ni Math, hinawakan na niya ang kamay nito. Pansinin na nakaposas na ang kamay ni Math.

Ano na gagawin ko? nakaposas na ako...

Ano na gagawin ko? nakaposas na ako...

Hanggang saan kaya hahantong ang katakawan ng inaanak ko?

0 responses to “Maliit pa ang tiyan mo

  1. Drop EC.. at nkiBurDaye! ..ang saya! ahehhH!
    .-= mark´s last blog ..Paypal: Another Hoax! =-.

  2. eh kanino pa ba magmamana yung inaanak mo kundi sa tito at kay tito choy din. tinuturuan niyo pa ng wrestling!! hahaha…

  3. hello Poh.. may United blogger award poh ako para sa inYu… hope ull accept it..

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *