Eto na nga at katatapos lang ng bakasyon namin from Ozamiz. At syempre, andami namin pictures.
Pagdating namin doon, nagpahinga muna kami ng isang araw bago bumira ng inuman sa Gat’s Bar.
Umuwi kami sa Ozamiz dahil nga birthday ng papa ni Hon. Syempre present ang MGA litson. Maraming handaan at marami rin inuman. Tignan ninyo ito.
Syempre, hindi mawawala ang swimming sa Dolphin Island. Pinakain pa namin ang mga Dolphin at mga isda sa dagat. Nakipagswimming din kami sa pawikan.
Dahil bitin magswimming ng isang araw lang, nagpunta kami sa Oroquieta at nagbangka papunta ng Plaridel. Dun, pinahinto namin sa gitna ng dagat ang bangka at nagtalunan sa tubig.
At nung pauwi na kami, nag stop over muna kami sa Cebu. Wala kasing diretsong flight. Pay homage kami muna sa Sto. Niño de Cebu at bumili ng mga pasalubong.
Sobrang enjoy ng bakasyon. Kahit bitin, enjoy pa rin.
hi jp!! e album mo naman mga pix nyo (mindanao trip) kasi d ko talaga ma save, promise!!
.-= bernadette salud´s last blog ..Getting Ready for SUPER Typhoon Pepeng (Parma) =-.
ok na pala…hahahaha tanx!!! 🙂
.-= bernadette salud´s last blog ..Getting Ready for SUPER Typhoon Pepeng (Parma) =-.