Nagtaas ng signal number 2 ang PAG-ASA. Ewan ko ba kung bakit yung signal number na iyan, hindi ganoon ka reliable. nakakapikon lang.
Birthday kasi ng lola ko sa Bulacan. Meron kaming schedule ng get together for Sunday. At dahil nga sa forecast ng PAG-ASA na sa gabi pa darating ang mata ng bagyong Ondoy, kampante naman kami na pumunta sa SM Hypermarket para bumili ng ipa-pot luck para sa birthday part ng lola ko sa Bulacan.
Pero pagdating dun sa kalsada, tignan mo naman kung gaano kataas ang tubig.
at hindi lang yan.. tumataas pa ang tubig..
syempre kami, dahil ayaw namin ma trap sa sinasakyan namin na jeep, nilusong na namin ang baha at pumasok sa JRU. ito lang kasi ang pinaka-safe na lugar. accomodating naman sila.
medyo nakapag settle na kami doon. nakabili na ng pagkain. at dahil nga alam ko na maganda ang camera ng phone ko, nagpicture picture pa ako sa mga matatapang na kaluluwa na lumulusong sa baha.
Nag overnight kami sa iskul ng mga JRU Bombers. Habang nakikibalita gamit ang textcapade, nalaman namin na pinasok ng tubog ang first floor ng bahay namin. ang lola ko na naka wheel chair lang ay inakyat sa 2nd floor kasama ng 6 months old na si Benedict.
Dahil nga nasa bahay ang camera, kumuha din ng pictures ang kapatid ko.
Syempre, dahil matapang din kami, umuwi din kami pagkatapos ng ulan. pero kinabukasan na yun. nag declare na ang mga tita ko na hindi matutuloy ang bday party ni lola. wala rin naman kaming maihahanda at masasakyan na kotse papunta sa Bulacan. Pero bago ko makauwi, nagpicture pa rin ako.
Hay.. buhay nga naman.. sabi sa History. pinakagrabe daw ang rainfall na ito. Mas malakas pa daw sa Bagyong Katrina sa USA, at yung rainfall na para sa isang buwan, ibinuhos nila sa Pilipinas within 6 hours.
Naguumapaw ang blessings dito sa Pilipinas.
Sabi nga sa commercial ng Pizza Hut dati.. “Philippines, it’s more than the usual”
Glad to hear that there’s a lot of people helping each other.
.-= Cocoy´s last blog ..Cocoy’s pipe dreams =-.
my friends in Philippines were also victimized by the flooding caused by Typhoon Ondoy. i just hope that you guys could recover soon from this natural disaster. `
no Ondoy can put our 7k++ islands down.
Kawawa talaga yung mga nabiktima ng Typhoon Ondoy, buti na lang at medyo naka-recover na tayo ngayon. ~