Monthly Archives: October 2009

Sangalang – Ramos

Kasalan na naman; always na lang may kasalan. Hindi pa nga lumalabas si Alexa sa tiyan ni ate maja, may kinasal na naman sa aming magpipinsan. This time, the eldest Sangalang sa magpipinsan ang kinasal.

Continue reading

Pagtingin sa hinaharap: Pampahaba ng Buhay

May nabalitaan ako, sabi nila, ang pagtitig daw sa hinaharap e nakakapagpahaba ng buhay. Well, oo nga naman, kung magpapaka boy scout ka na parating handa sa kung anu man ang mangyari, sure ako na hindi ka maaksidente.

Gaya na lang ng pagcheck sa brakes ng kotse mo. Bago ka maglakbay, dapat na-check mo na yun para kahit mag out of control ka, step ka lang sa brakes, safe ka na. Andami kayang naaaksidente dahil nawalan ng brakes. Continue reading

Rainbow!

Binyag ni Rainbow noong Saturday, Oct. 17. Anak siya ni [KnP] #2 aka Loveless at ni Camilla. Nag ninong ako at nagdala ako ng malaking regalo. Sana nagustuhan nila.

Doon sa Sanctuario de San Antonio sa may Forbes siya bininyagan. Maganda dun kasi may kwarto sila na reserved for binyag lang talaga.

Kahit late kami, late din naman nag-umpisa, kaya ok lang siguro. Continue reading

Tunay na Lalake, nakipag-break na!

Ang blog na gumagamit ng batayan tungkol sa pagsukat ng pagiging “tunay na lalake” ng isang tao, bagay, o pangyayari; yan ang Tunay na Lalake. Nominated ang blog na ito bilang Best Humor Blog sa recently concluded Philippine Blog Awards (Luzon).

Isa ito sa mga sinusubaybayan kong mga blog. Tuwang-tuwa ako sa mga walang kwentang posts nito pati na rin sa mga political swings na talaga naman nakakalalake.

Noong Sabado, Oktubre 17, 2009, nawala lahat ng content ng website na ito at tanging ito na lang ang naiwan:

Nalungkot ang lahat ng taga-sunod nito, lalo na si Lil’ Zuplado.

Nag-research ako sa internet at nakakuha ng mga haka-haka kung bakit nagsara na ang blog ni HayMen. Eto ang mga nakalap ko.

  1. Nakabuntis ang mod at wala na siyang oras magblog.
  2. Kumuha na sila ng sariling domain name at hindi pa nila alam kung pano mag transfer ng content.
  3. Napansin niyang puro kalokohan na rin lang ang mga nagko-comment sa blog niya, wala nang saysay ang mga discussion dito.
  4. Wala na siyang maisulat, better yet, tumigil na siya habang sikat pa siya.
  5. Nakatanggap siya ng death threat mula sa mga personalidad na napikon sa blog niya. Kasama na dito ang mga pulitiko, mga bagyo, at mga Frat.
  6. Na-hack ang blogspot account niya at winawalanghiya lang siya.
  7. Tunay na Lalake siya at winawalanghiya niya lang tayo.

Well, ganyan talaga ang buhay. Sa mga ganitong pagkakataon, kailangan mo magmove-on. Dahil siya ang nakipagbreak sayo, isipin mo na lang na “it’s not my loss.”

Nakakamiss din talaga ang TNL.