Daily Archives: 2009-10-01

Getting Ready for SUPER Typhoon Pepeng (Parma)

Kakaalis lang ni Bagyong Ondoy. Tinangay niya kasama ng ating mga gamit sa bahay ang ilang daan sa mga mahal natin sa buhay. Kapalit nito, nag-iwan siya sa atin ng mga mapapait na karanasan, mga nakakaawang litrato at mga hindi kailanman malilimutang eksena na sumira sa tahimik nating mga buhay at bahay.

Nakakalungkot isipin na hindi pa nga tayo nakaka recover sa trahedyang ito, may paparating na naman na bagyo. Sabi sa report, malakas daw ang hangin nitong si Bagyong Pepeng. Hindi pa sigurado kung ganoon din kalakas ang ulan pero sure ako, magiiwan na naman ito ng bakas sa ating kaawa-awang bansa. Sana lang wag na ito kumuha ng mga buhay. Continue reading