Getting Ready for SUPER Typhoon Pepeng (Parma)

Kakaalis lang ni Bagyong Ondoy. Tinangay niya kasama ng ating mga gamit sa bahay ang ilang daan sa mga mahal natin sa buhay. Kapalit nito, nag-iwan siya sa atin ng mga mapapait na karanasan, mga nakakaawang litrato at mga hindi kailanman malilimutang eksena na sumira sa tahimik nating mga buhay at bahay.

Nakakalungkot isipin na hindi pa nga tayo nakaka recover sa trahedyang ito, may paparating na naman na bagyo. Sabi sa report, malakas daw ang hangin nitong si Bagyong Pepeng. Hindi pa sigurado kung ganoon din kalakas ang ulan pero sure ako, magiiwan na naman ito ng bakas sa ating kaawa-awang bansa. Sana lang wag na ito kumuha ng mga buhay.

May matandang kasabihan tayo na “One is enough, two is too much.” Dahil nga grabe na ang nangyari sa atin, andami kong nakikita at nababasa na mga survival tips. Hindi kawalan sa atin kung susundin natin ang mga ito. Pero para sa akin, gagawa ako ng pansarili kong survival tips. At susundin ko ito sa pagdaan ng bagyong katokayo ko.

  1. Siguraduhing may mga pagkain sa bahay. Kahit pa de lata lang yan o mga chichiriya, ok na yan. Hindi na importante kung hindi masarap o hindi gaanong masustansya, basta ang importante busog. Sikmura muna bago porma.
  2. Manatili sa bahay lang. Dahil alam kong safe naman sa bahay namin at sure ako na kung mauulit ang baha ni Ondoy e may 2nd floor pa naman kami, pinaka safe na lugar na ang bahay namin. Para na rin makatulong magsalba ng mga gamit kung kinakailangan.
  3. Siguraduhin na may charge ang cellphone. Hindi ko na aantayin na ma-drain ang cellphone ko bago ako magcharge. At dahil naka plan naman ako, wala ako problema sa load.
  4. Siguraduhin na may kandila, posporo, flashlight. Mahirap mabuhay nang walang ilaw. Hindi maganda na umasa lang sa ilaw ng cellphone.

Mga simple lang ito pero importante. Noong Bagyong Ondoy kasi, dahil nga walang stock ng pagkain sa bahay, umalis pa kami. Na-stranded tuloy kami sa JRU. Hindi ko na hahayaan na maulit yun.

0 responses to “Getting Ready for SUPER Typhoon Pepeng (Parma)

  1. oo nga hon. tama ka talaga. kasi nung kami wala lahat. saka lang bumili ng mga yan noong waist deep na ang tubig at wala nang ilaw
    .-= glorien´s last blog ..Bayanihan Fund Drive: Donate to Ondoy Flood Victims =-.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *