Swoosh News: Jacque Bermejo

Kung magri-research ka ng pinaka-hot na topic sa internet ngayon, malalaman mo na bukod sa Bagyong Ondoy, e mayroon na mas malakas na unos pa na dumating sa isa nating kababayan sa pangalan na Jacqueline Bermejo. Sa dami daw ng text messages at emails at comments na nakukuha niya, mistulang Bagyong Ondoy na rin ang sumalanta sa kanya ngayon.

Sino ba si Jacque Bermejo?

Napag alaman ko galing sa iba’t ibang blog sa internet na si Jacque Bermejo ay tunay na tao at hindi kathang isip lang. Meron siyang mga pictures sa Multiply at sa Facebook. Kasalukuyan siyang nagtatrabaho sa Dubai bilang isa PR officer.

Kagaya ni Bubby Dacer (isa pang sikat na PR Officer, may he rest in peace) marami nang naging client itong si Jacque. Isa na dito ang CasaPretige, na isang European managed design firm based in UAE.

Ano naman pakialam ko ke Jacque Bermejo.

Hot Topic si Jacque Bermejo ngayon dahil sa shout out na lumabas sa Facebook Account na kadikit ang pangalan nila.


Lumabas ang shout out na ito nung kasagsagan ng rescue operations dahil sa Bagyong Ondoy. At dahil nga sa emosyonal ang mga Pilipino sa mga panahong ito, nagmistulang pila sa Lotto ang pagpapadala ng mga reactions against sa shout out at sa pangalan na Jacque Bermejo. Halos lunurin na itong si Jacque ng mga threats against her personal personality. Dahil nga naman sobrang irreverent ng kanyang public remark.

Tulad ng karamihan sa atin, hindi rin nakapalag itong si Jacque Bermejo sa kanyang “personal Bagyong Ondoy”. Kahit na may pruweba siya na may mga tao na naninira sa kanya (about 2 years ago na daw), hindi niya napigilan ang pag release ng tubig sa mga dam ng Facebook, Twitter, Multiply at iba pang social network sites. Wala siyang nagawa dahil lahat ng tao na online ay nagalit na sa kanya. Hindi siya binigyan ng pagkakataon na makadepensa laban sa Super Typhoon na kinaharap niya.

“A years-worth of social networking comments ran down on her in just a few hours.”

Isang balanseng report

Bago ako naniwala sa kung anu-anong report, syempre, gumawa muna ako ng haka-haka. Baka nga naman may ex siya sa Pilipinas at galit na galit siya dito. Baka naman hacked talaga ang account niya sa Facebook. O baka naman reincarnation siya ni Hitler o di kaya naman ni Hudas. Ewan ko, pero bago ako magsasalita, titignan ko muna kung anu-anong mga facts ang meron tayo.

Nagrelease po ng official statement si Ms. Jacque Bermejo na sinuportahan naman ng CasaPrestige.

Salamat kay Ryan Eriscon G Canlas at nakita ko ng bahagya ang hinahanap ko. Paki tignan po ang full report doon at sobrang sang-ayon ako sa may akda ng blog na iyon.

Tip ko ke Jacque Bermejo

Bilang tip ko ke Ms Jacque Bermejo, wag siyang mag-alala. Isang unos lang ito sa buhay at gaya ng libo-libong mga Pilipino na naiwan niya sa Pilipinas, babangon din tayo. Hindi isang Ondoy ang magpapabagsak sa 7,107 islands natin ngayon. Hanggat may mga tumutulong sa atin, at may mga pruweba tayo na wala tayong kasalanan, walang Hudyo na may karapatang magpapako sa atin sa krus.

Ngayon, kung talagang ginawa mo naman yang comment na iyan, sana dumating din si Bagyong Pepeng sa buhay mo.

Oras na para maging handa tayo sa ganitong mga unos.

Dapat matuto tayo gumamit ng social netorking websites.

Dapat meron tayong mga official website na magsasabi kung lehitimo o hindi ang ibang mga websites na pangalan din natin ang ginagamit. Maaari kang pumili sa Muliply, Friendster, Facebook, etc. Siguraduhin mo na hindi mo ipamimigay ang password mo.

Tulungan natin ang ating mga sarili sa ganitong bagay at sana wag tayong umasa sa gobyerno, dahil baka gawin nga nila ang minumungkahi ni Mikee Arroyo; “regulate social networking sites especially Facebook.”

0 responses to “Swoosh News: Jacque Bermejo

  1. I am hurt of what she said. Para siyang hindi kalahi. Mabulok siya sa Dubai! 🙁
    .-= Snow´s last blog ..Philippines’ Most Destructive Typhoons =-.

  2. Thats right. Nakikilevel xa sa kasikatan ni ond0y. Hai.. May mga tao talaga na mapangmata.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *