Sulat para kay Muelmar

Muelmar Magallanes,

Kumusta?

Kumusta na ang bahay ninyo sa Manila Riverside Village. Lubog pa rin ba sa baha?
Wag ka magalala, sinigurado ng mga kinauukulan na ligtas na ang mga kapamilya at mga kapitbahay mo. Kung magkakabaha man, sisiguraduhin nila sa susunod na mayroon nang sapat na kagamitan para makapagligtas ng tao.

Hindi mo na kailangan lumusong pa sa rumaragasang tubig dahil aayusin na nila ang daloy ng tubig.

Sa susunod na magpapakawala ng tubig sa dam, sisiguraduhin muna nila na hindi babahain ang mga kalapit na kabahayan. Para wala nang maperwisyo.

Sa susunod na magpaplano sila magpatayo ng subdivision, sisiguraduhin na rin nila na malayo ito sa kapahamakan. Hindi na nila gagamitin ang mga lugar na naka reserba para sa mga waterways at nature preservation para hindi na masalanta ang mga titira sana dito.

Pasensya na kung nadamay kayo ng kapalpakan ng sambayanang Pilipino.

Balita ko napakagaling mo raw lumangoy. At ginamit mo ang talent na ito para makapagligtas ng kapwa natin Pilipino, sayang lang at binawian ka ng buhay pagkatapos mong makapagligtas ng 30 katao.

Maraming salamat sa iyo.

Isa kang tunay na kampeon.

Proud ako dahil may kalahi akong kagaya mo.

Hindi ka namin makalilimutan.

Kapwa Pilipino, Kapwa Kampeon

Promking
KnP #5

0 responses to “Sulat para kay Muelmar

  1. Pingback: Muelmar Magallanes: A True Hero « Pink Maldita

  2. Nicely done. Pero oo nga, he deserves this post. 🙂 You’ve done him service in your own way.

    Much support, Christia
    _______
    Top 7 Indicators of being an Old Couple from Christia’s World

    • kahit ako, pag binabasa ko ulit yang post na yan, hindi ko naiisip na ako pala ang nagsulat.

  3. Si Muelnar ba yong namatay after nyang magsagip ng mga kapitbahay? kakalungkot nga yon. I was saddened with his death .he will not be forgotten especially yung huling natulungan nya.

  4. ondoy time ba to. parang may nabalita kasi na namatay after magligtas ng ibang tao.

  5. a true hero! he won’t be forgotten :)nice post!

  6. he has the tru spirit of a blooded hero

  7. a silent hero, hindi inintindi ang sariling kaligtasan para makapaglingkod sa kapwa

  8. Another “bayani” na for sure makakalimutan na lang ng lahat. Pero thank you for giving this tribute to him. These are ordinary people with extraordinary heart. Kailangan silang parangalan pero wala na tayong magagawa kundi ipagdasal na lang.

  9. Wow. A true hero. Ang sarap mamatay sa ganung paraan. Yung itataya mo para sa benipisyo ng nakakarami. Ang hero kasi sa panahon natin ngayon ay yun lang kung sinong sikat. Lahat tayo pwede maging bayani. Tulad na lang ni Muelmar. 🙂

  10. Thanks for sharing this! A true hero indeed!

  11. ang galing naman.. =)

  12. Mejo di ako makarelate at di ko alam ang nangyari sa kanya pero if ever sana wag nating makalimutan yung kabuthang nagawa niya

  13. Si Muelmar ay naging bayani sya dahil sa kanyang katapangan at ibinuhis nya ang kanyang buhay masagip ‘yong nga tao na nasa panganib ang kanilang buhay. Dapat lang puriin sya, bigyan ng parangal. Hindi sya makakalimutan. Dapat sya tuluran. Meron pa bang tao na kagaya nya? Meron ikaw yun. Antayin mo ang pagkakataon na maipakita mo ang iyong kagitingan, iyong katapangan, ang iyong tunay na pag-ibig sa sambayanang Pilipino at lalo na sa iyong sariling pamilya… Sa totoo lang pa la di natin alam kung anu ba o sinu ba si Muelmar Magallanes kaya o bakit ginawa nya yun! Di bale basta bayani si MM.

  14. Isang bayani si Muelmar Magallanes. Iniisip niya muna ang kapakanan ng iba bago ang sarili. Sana ganyan din mag isip ang mga opisyal ng atin gobyerno. Napaka maunlad sana natin bansa.

  15. I am not familiar with the person mentioned. Is this a real letter?

    • nope. i usually write letters to the dead simply because i do not have any potential way of communicating to them.

      and my letters usually touch the hearts of the relatives.

  16. i love reading touching stories like these and the idea of writing it in a letter…. he deserves to enter the kingdom of heaven and the happiness. right now i know he is.

  17. sad, sad incident pero kita pa din ang mga bayani…kudos sa pagsulat nito…

  18. Yan ang taong hindi madamot. Iniisip ang kapakanan muna ng iba bago ang sarili. Panigurado alam ng Diyos kung ano ang kanyang ginawa. May katapat na gantimpala yun! 🙂

    • ang maganda neto, ginamit niya sa mabuti ang talent sa paglangoy na binigay sa kanya ng Diyos.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *