Lola During bday 2009

Birthday ng Lola During ko noong Sept 27. At dahil nga na postpone ito dahil pinadaan muna natin si Ondoy sa Pilipinas, hindi pa rin kami napigilan magsama-sama para i-celebrate ang bday ng aming lola.

Ang venue; Marilao, Bulacan. Araw ng Linggo, Okt 4. Oras ng tanghalian. Ang plano namin, ako lang at si mami ang pupunta dahil nga wala kaming sasakyan, may bulutong yung kapatid ko at walang maiiwan sa bahay.

Pero dahil merong tinatawag na “surprise”, sinama namin si Benedict. At natural, kasama si Kuya Do at si Joan.

Nag taxi kami papuntang Boni. Ayaw namin ma hassle sa jeep. Nag MRT naman kami from Boni papunta sa Trinoma. First time ni Benedict sa MRT kaya mahigpit ang kapit nito sa steel na hawakan. Nag FX kami papuntang SM Marilao at pagdating dun, nagpasundo na.

Medyo nakakapagod ang palipat lipat ng sasakyan. Iba talaga pag may sarili kang kotse. Mas madali na, mas maginhawa pa.

Sinimulan na namin ang kainan. May litson kami, may gulay, syempte may Relyeno at ang forever contribution namin sa potluck, ang lumpia.

Sobrang dami naming napagkwentuhan. Kanya-kanyang istorya tungkol ke Bagyong Ondoy, mga kwentuhan ng kabataan ng mga Tito at Tita, at mga plano sa Pasko.

Nagpamigay na ng “thank you letter” galing sa mag-asawang lawyer tungkol sa kasala nila at nagpamigay na rin ng invitation para sa kasalang Janzen at Rica.

Sobrang saya talaga pag kasama mo ang pamilya mo. At lalo pang nakakatuwa ay ang balita na walang nasaktan sa amin. Kahit na Bagyuhin kami o bahain ang ancestral house namin sa Bayugo, Meycauayan Bulacan, hindi matitinag ang tibay at tatag ng Sangalang Clan.

P.S. Meron pala akong nakitang bagong boyfriend. Lagot sa amin yun sa kasalan.

0 responses to “Lola During bday 2009

  1. naku, balita ko ngayon, baha rin sa bulacan. sana safe lahat…
    .-= Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD´s last blog ..MY FARMVILLE/FARMTOWN =-.

    • sanay kasi sa baha yung mga pinsan ko dun. kaya ok lang talaga sa kanila.. mabilis silang makapaglikas ng mga gamit at puro mga monobloc ang gamit nila.

      nakaka-awa lang si sanchai, yung aso ng lola ko. namatay dahil hindi nakaalis sa pagkakatali niya sa poste. kawawa naman.
      .-= promking´s last blog ..Obama winning Nobel Prize for Peace =-.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *