Daily Archives: 2009-10-09

Hindi yan GAMIT kung hindi ginagamit

Sabi ng teacher ko sa Morals noong College; kapag may gamit ka raw na hindi mo ginagamit, hindi na raw iyo yun. Tama nga naman siya, kaya nga salitang “gamit” ang tawag dun kasi, kailangan nga gamitin.

Na gets mo ba?

Kagaya kunwari ng digital camera mo sa bahay ninyo, kapag alam mong gumagana pa yan, dapat gamitin mo. marami namang pwedeng picturan dyan sa bahay ninyo e.

Kapag may nanghiram niyan sa iyo, at alam mo naman na hindi mo yan ginagamit o gagamitin ngayon, ipahiram mo. Kapag kakailanganin mo, hingin mo ulit sa kanya. Paalalahanan mo lang siya na pagkaingatan yan.

Di ba ganun ka simple lang yun?

Pag may kagamitan ka na hindi mo ginagamit, at nagde-deteriorate lang yan sa iyo, mas maigi pa na ibenta mo na lang yan. O kaya ipamigay mo.

Hindi ka dapat magtago ng mga bagay na hindi mo ginagamit.

Hindi gamit ang tawag dyan kung hindi mo ginagamit.

Paulit-ulit ba ako?
.

.

.

Nakakagulat nga lang dahil mayroon ang sambayanang Pilipino na kagamitan para masukat kung kailan magbabaha at gaano kataas ang baha.

1 Billion pesoses ang halaga nito. Nasa mga MMDA kagamitan na ito.

Sa kasamaang palad, hindi ito na-maintain dahil wala daw pondo na pang maintain.

.
.
.

Paki ulit nga na walang pondo.

Huli pa itong nakitang ginagamit noong 2006. Taong 2008 at pinababayaan na lang itong mabulok.

1 Billion pesos, pinabayaang mabulok.

Nasayang lang.

Source:
http://www.abs-cbnnews.com/nation/10/07/09/p1-b-flood-warning-system-wasted-due-neglect