Hindi yan GAMIT kung hindi ginagamit

Sabi ng teacher ko sa Morals noong College; kapag may gamit ka raw na hindi mo ginagamit, hindi na raw iyo yun. Tama nga naman siya, kaya nga salitang “gamit” ang tawag dun kasi, kailangan nga gamitin.

Na gets mo ba?

Kagaya kunwari ng digital camera mo sa bahay ninyo, kapag alam mong gumagana pa yan, dapat gamitin mo. marami namang pwedeng picturan dyan sa bahay ninyo e.

Kapag may nanghiram niyan sa iyo, at alam mo naman na hindi mo yan ginagamit o gagamitin ngayon, ipahiram mo. Kapag kakailanganin mo, hingin mo ulit sa kanya. Paalalahanan mo lang siya na pagkaingatan yan.

Di ba ganun ka simple lang yun?

Pag may kagamitan ka na hindi mo ginagamit, at nagde-deteriorate lang yan sa iyo, mas maigi pa na ibenta mo na lang yan. O kaya ipamigay mo.

Hindi ka dapat magtago ng mga bagay na hindi mo ginagamit.

Hindi gamit ang tawag dyan kung hindi mo ginagamit.

Paulit-ulit ba ako?
.

.

.

Nakakagulat nga lang dahil mayroon ang sambayanang Pilipino na kagamitan para masukat kung kailan magbabaha at gaano kataas ang baha.

1 Billion pesoses ang halaga nito. Nasa mga MMDA kagamitan na ito.

Sa kasamaang palad, hindi ito na-maintain dahil wala daw pondo na pang maintain.

.
.
.

Paki ulit nga na walang pondo.

Huli pa itong nakitang ginagamit noong 2006. Taong 2008 at pinababayaan na lang itong mabulok.

1 Billion pesos, pinabayaang mabulok.

Nasayang lang.

Source:
http://www.abs-cbnnews.com/nation/10/07/09/p1-b-flood-warning-system-wasted-due-neglect

0 responses to “Hindi yan GAMIT kung hindi ginagamit

  1. Padaan ako ha. Nakaka-relate ako dito kasi dati ako sa gobyerno. Sakit na ng gobyerno natin iyan. Gagamitin todo-todo ang isang gamit at kapag grabe na ang sira ay itatambak na lang. Isang madalas na mapapansin natin ito sa mga police patrol cars…pag-nasira naghihintay na ulit ng bago. Hayyy marami pa…sayannnng talaga.

    • ganun? ayaw nilang ipaayos?

      kung sa bagay, mga extra lang naman na kotse yan ng ibang bansa. hindi naman brand new talaga. napaglumaan na kumbaga.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *