The Unstoppable: Climate Change

*Topic para sa Blog Action Day Oct 15, 09

Nakita mo ba kung gaano naghurumintado si Mother Nature last month? Grabe di ba? Sabihin mo nang problema sa dam at kakulangan ng rubber boats pero hindi mo maikakaila na matinding epekto ito ng Climate Change.

Gaya ng kahit na anong “change”, Hindi mo rin mapipigilan ang climate change. Constant yan.

  • Lumalaki ang ating haring araw, dahil dito, umiinit ang ating planeta, wala tayong magagawa para pigilan ito.
  • Kahit anong bawas natin sa Green House Gases, hindi natin mapipigilan ang global warming. Humihinga tayo mabuhay, natural na dumadaloy ang CO2
  • Umuusad ang ating mga Tectonic Plates. Hinihigop ng gravity ng Earth ang lupa at mini-melt ito ng mga magma at lava. Natural lang ang lindol.
  • Umiihip ang hangin. Naglalakbay ang mainit na hangin paibabaw sa mas mababang pressure na lugar. Nagkakaroon ng hanging amihan at hanging abagat.

Pero mapapabagal natin ito, o di naman kaya, magi-gear natin ito to our advantage. I am sure andami na nating technologies para maka-adapt tayo sa change na ito.

Sana naman, maki-cooperate tayo. Sabi dito at dito, factor talaga ang Human Influence sa Climate Change.

Human, ibig sabihin tao.

Tao, ibig sabihin, ikaw at ako.

Kung hindi natin kayang i-reverse o tigilan man lang ang change na ito, wag na sana tayo dumagdag sa problema.

  • Yung sobrang gumamit ng plastic, bawasan na yan. Alam mo ba na sa SM Malls, may tinatawag sila na Green Bag, para hindi mo na kailanganin ng plastic para sa mga pinamili mo. Sa pag gamit mo ng Green Bag, doble ang points mo sa SM Advantage card mo.
  • Yung mga nagsisigarilyo at mga sobra kung gumamit ng hair spray, bawasan naman natin.
  • Yung mga mahihilig kumain ng karne, alam niyo ba na nakakapagpabilis ng climate change ang Animal Agriculture. Magpaka-Vegetarian na tayo!
  • Mas matibay ang steel kesa sa kahoy. Stop Deforestation!

Wag naman tayo maging sakim. Maawa naman tayo sa magiging anak natin. Magpaka Ryan Agoncillo naman tayo at isipin ang future nila “Yohan and my future kids.”

0 responses to “The Unstoppable: Climate Change

  1. magtanim na ng mga puno…
    .-= Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD´s last blog ..KIDNAP! =-.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *