Tunay na Lalake, nakipag-break na!

Ang blog na gumagamit ng batayan tungkol sa pagsukat ng pagiging “tunay na lalake” ng isang tao, bagay, o pangyayari; yan ang Tunay na Lalake. Nominated ang blog na ito bilang Best Humor Blog sa recently concluded Philippine Blog Awards (Luzon).

Isa ito sa mga sinusubaybayan kong mga blog. Tuwang-tuwa ako sa mga walang kwentang posts nito pati na rin sa mga political swings na talaga naman nakakalalake.

Noong Sabado, Oktubre 17, 2009, nawala lahat ng content ng website na ito at tanging ito na lang ang naiwan:

Nalungkot ang lahat ng taga-sunod nito, lalo na si Lil’ Zuplado.

Nag-research ako sa internet at nakakuha ng mga haka-haka kung bakit nagsara na ang blog ni HayMen. Eto ang mga nakalap ko.

  1. Nakabuntis ang mod at wala na siyang oras magblog.
  2. Kumuha na sila ng sariling domain name at hindi pa nila alam kung pano mag transfer ng content.
  3. Napansin niyang puro kalokohan na rin lang ang mga nagko-comment sa blog niya, wala nang saysay ang mga discussion dito.
  4. Wala na siyang maisulat, better yet, tumigil na siya habang sikat pa siya.
  5. Nakatanggap siya ng death threat mula sa mga personalidad na napikon sa blog niya. Kasama na dito ang mga pulitiko, mga bagyo, at mga Frat.
  6. Na-hack ang blogspot account niya at winawalanghiya lang siya.
  7. Tunay na Lalake siya at winawalanghiya niya lang tayo.

Well, ganyan talaga ang buhay. Sa mga ganitong pagkakataon, kailangan mo magmove-on. Dahil siya ang nakipagbreak sayo, isipin mo na lang na “it’s not my loss.”

Nakakamiss din talaga ang TNL.

0 responses to “Tunay na Lalake, nakipag-break na!

  1. jp cutie boi…ganda naman ng blogsite mo..ang daming plugins..inggit ako..turuan mo naman ako jan…puhleeassee

  2. haymen left two bastards
    1)Digs!Tunay na Lalake and
    2) TigasLang

    • just checked out tigaslang.blogspot.com … ok din siya.

      yung digs!tunay na lalake, di ko makita kung san.

  3. True nakakamiss din siya. Well andiyan pa din naman ang facebuko to lighten up any dull day
    .-= prosti´s last blog ..Farmville Palm Towers =-.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *