Rainbow!

Binyag ni Rainbow noong Saturday, Oct. 17. Anak siya ni [KnP] #2 aka Loveless at ni Camilla. Nag ninong ako at nagdala ako ng malaking regalo. Sana nagustuhan nila.

Doon sa Sanctuario de San Antonio sa may Forbes siya bininyagan. Maganda dun kasi may kwarto sila na reserved for binyag lang talaga.

Kahit late kami, late din naman nag-umpisa, kaya ok lang siguro.

Sobrang taba na ni Rainbow (hindi ko alam ang real name niya). Noong una ko siyang nakita, hindi naman siya ganun kataba. Sure ako na sobrang bigat na niya kahit hindi ko pa siya kinakarga.

Pagkatapos ng binyag, sa Glorietta 5 kami nag-reception. Konting salu-salo, pictures, kargahan ng baby, kwentuhan, tsaka stroll sa mall.

Eto ang mga pictures sa nasabing event. Paki-click na lang po:

Everything will be ok, dear Rainbow.

Aalalayan ka namin sa paglaki mo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *