Pagtingin sa hinaharap: Pampahaba ng Buhay

May nabalitaan ako, sabi nila, ang pagtitig daw sa hinaharap e nakakapagpahaba ng buhay. Well, oo nga naman, kung magpapaka boy scout ka na parating handa sa kung anu man ang mangyari, sure ako na hindi ka maaksidente.

Gaya na lang ng pagcheck sa brakes ng kotse mo. Bago ka maglakbay, dapat na-check mo na yun para kahit mag out of control ka, step ka lang sa brakes, safe ka na. Andami kayang naaaksidente dahil nawalan ng brakes.

Simple na lang din na example yung mag stock ka ng pagkain sa inyo. Hindi mo alam, baka bukas, bumaha ulit ng grabe. Mahirap pag wala kang makain. Iba na ang always handa.Buti na lang, 1 week before dumatin si Bagyong Ondoy, nag grocery na kami ng mga noodles. Pang stock lang. Kahit wala akong pera at kinaskas ko lang yung pinambili sa credit card ko, ok na rin yun. Hindi naman kami nagutom noong kinagabihan na mataas ang tubig dahil ke Ondoy.

Naalala ko noong dati, nagbibisikleta ako, may nakita akong ka-away. Naglalakad lang sila. At syempre, hindi ako nagpasindak kaya nakipagtitigan ako. Tinitigan ko ang grupo nila ng masama. Hindi ako nagpatinag. Nakalimutan ko na umaandar pa rin yung bike ko, buti na lang magaling ako at nakaiwas ako dun sa rumaragasang sasakyan. Muntik na kami mag head on collision.

Nagsisimula na ako mag-ipon ngayon. Gumawa ako ng improvised alkansya. Ginamit ko yung lalagyan ng mineral water na SM Bonus na ang capacity ay 10 liters. Puro 5-peso at 10-peso coins lang hinuhulog ko dun. Kaya parating papel ang binabayad ko sa jeep at bus para suklian nila ako ng malalagay ko sa alkansya. Syempre gusto ko humaba ang buhay ko noh.

Kung hindi ka talaga magpe-pay attention sa hinaharap mo, talagang maaga kang mamamatay.

Pero yun nagsabi sa akin ng news, iba pala ang tinutukoy niya.

Tignan ang larawan.

.

.

.

photo from self.com

.

.

.

Eto pala ang news nila.

Looking at Breasts is Healthy

10 Minutes Of Staring at Breasts Daily Prolongs Man’s Life by 5 Years

Backed up by science na pala ang pampahaba ng buhay ang pagtitig sa hinarahap.

Para mas mahaba buhay mo, wag ka lang tumingin, tumitig ka!.

0 responses to “Pagtingin sa hinaharap: Pampahaba ng Buhay

  1. lolz….nice one

  2. well,may point ka dyan.

    kahit gaano ka kabata or katanda, kahit may trabaho ka man or nag-aaral, kelangan matutong mag save for the future.

    nice post.thanks for dropping by my site. 😀
    .-= flamindevil´s last blog ..A Tribute to Lola =-.

  3. gawain ko rin ang magipon sa bote ng mineral. mga 6-8k ang makukuha mu jan! papalechon na si kampeon!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *