Tapos na po ang registration for May 2010 elections. Natapos po ito nung halloween day, Oct.31.
Para sa mga nag-register, sama-sama po tayong boboto sa Mayo. Piliin po natin ang mga tamang kandidato. Para sa atin din ito. Paki-check po ang registration precint ninyo dito.
Para sa mga registered at walang planong bumoto. Please, kahit magpakita lang kayo dun, magpatala na kayo ay interesado sa halalan at kahit abstain na kayo sa lahat ng posisyon, ok lang. Holiday naman yun for sure kaya wala kayong excuse.
Para sa mga registered, may planong bumoto, pero hindi makakauwi ng Pilipinas (o ng kanyang place of registration) sa araw ng halalan, hayaan ninyo, sa susunod, maiaayos din natin ang absentee voting. Wag kayo mag-alala.
Para sa mga gustong magregister, pero hindi nakaregister, binigyan po kayo ng 365 days, kasalanan niyo na po yung kung hindi kayo nakapag register. Wag po ninyo sisihin sa Comelec.
Para sa mga walang planong makilahok, hindi nagregister at walang planong magregister kahit pa magunaw ang mundo, wala po kayong karapatan na maging Pilipino.
Gusto ko lang pong i-share ang status ni PrefessionalHeckler last November 3:
“Binigyan kayo ng isang buong taon upang magparehistro ngunit hindi n’yo ginawa. Sa tatlong daan at animnapu’t limang araw na inilaan sa pagpapatala, kinse minutos lamang ang gugugulin n’yo doon. Pero binalewala n’yo ang pagkakataon. Ngayon, may KAPAL PA KAYO NG MUKHA at TIBAY NG SIKMURA na magreklamo dahil inabutan kayo ng deadline? Kung gusto n’yo ng pagbabago, simulan n’yo sa inyong mga sarili. Puñeta!”
Medyo tinamaan ako sa shoutout nitong Philippine Blog Award’s Best Humor Blog for 2009. Kasi nga naman, noong nagregister ako before 2007 elections, second to the last day ako nagpunta sa COMELEC office sa Manila, yung malapit sa SM Manila yun.
Alas Nuebe ata ako dumating, maraming nakapila para kumuha ng form pero pumila ako sa pila na alam kong pinakamaikli. Ewan ko ba kung may damuhong nagcreate ng bagong pila nung saktong pagdating ko, basta alam ko, importante ang form na yun para makapag register.
Wala pa nga akong ballpen nun kaya bumili pa ako. Nagastusan pa ako ng limang piso.
Syempre, pagkatapos kumuha ng form at magfill-up, pipila ka ulit para makapasok. At dahil nga maswerte ako nung araw na yun, maiksi lang ang pila para sa distrito namin na District 6. Kilala naman ang barangay chairman namin dun kaya madali lang akong naasikaso. Kahit na medyo hagard ako dahil sa pila, ngumiti pa rin ako sa picture taking.
Magbi-bente anyos ako nun. Isa kasi ako sa mga taong malas na Hindi pwedeng bumoto sa 2004 elections dahil kahit pa 20 days na lang at 18 years old na ako, technically, minor pa rin ako.
Kaya naman noong pwede na ako bumoto, I made sure na dapat makapag-register ako.
Wala akong kasama nung nagparehistro ako. Hindi ako sinabihan ng mga magulang ko o kaya naman ay binayaran ng pulitiko. Kusa akong nagpunta doon dahil gusto kong bumoto.
Kayo ba? ready na ba kayo sa Mayo?