<photo from boholchronicle.com>
Papasok ako ng trabaho kanina. Yung jeep na sinasakyan ko na byaheng stop-n-shop <> boni, e dumadaan sa Sabungan sa may Mandaluyong.
Bago pa makarating duon, andami ko nang kasakay na estudyante pauwi na galing eskwela, titser na may kausap na namamalimos at sinesermunan ito tungkol sa pag-aaral na solusyon sa kahirapan, dalawang paslit na kasama ang nanay nila (pero pang isang tao lang ang bayad), at syempre yung tsuper na magaling kumabig at kumambyo. Nabigyan ko na ng tatlong mamiso at isang benchingko yun namamalimos.
Pagdaan namin sa sabungan, may dalawang kuya na sumakay. Nagkukwentuhan sila.
Kuya1: Bayad po, dalawa po yan…
Kuya2: Salamat brad. Magagalit na naman si misis, talo na naman.
Kuya1: ganyan talaga ang buhay, mayroong talo, mayroong panalo.
Agree ako ke kuya, sa ikot ng buhay, kung mayroong panalo-siguradong mayroong talo. Sa wowowee lang ata posible na lahat ay panalo.
Kuya2: San ka ba umuuwi? E matagal ka na hinahanap sa may atin sa Batangas.
Kuya1: Sa Cavite.. andun yung manukan ko.
Kuya2: E pano yung manok mo kanina? parang pagod nung lumalaban a.
Kuya1: ewan ko ba, nung papunta kami, bus yung sinakyan namin hanggang Magallanes, tapos nag taxi na kami.
Kuya2: magkano naman taxi galing dun?
Kuya1: 100pesos./
Napapagod din pala sa biyahe ang mga manok. Kaya siguro may tinatawag na llamado at dehado. Karaniwan kasi, dehado ang mga manok na galing sa malayo. Homecourt advantage ata ang tawag dun.. ewan ko, hindi naman ako sabungero e.
Dun sa mga tao na gusto matuto ng sabong, alam ba ninyo na meron na tayong Sabong Academy. Napanuod ko lang yun segment ni Jessica Soho sa kapuso network. May point naman talaga sila para bumuo ng academy na ganun kasi nga, maraming gustong matuto.
At hindi lang yun, meron pang mga grupo na gustong sumabak sa party list system ng Philippine congress. Una na dito ang Alyansa Sabungero na binasura ng comelec ang pagtakbo. Di kasi sila sumusunod sa rules e. Andyan rin yung Adhikain ng Magmamanok na pinangungunahan ni Way Kurat. Ewan lang kung nakapasa sila.
Gaya ng maraming mga sugal, ipinauubaya mo sa “randomness of fate” ang kakayahan mong manalo. Kunsabagay, lahat naman ng ginagawa natin sa mundo ay tinuturing na sugal. Yun mga maliit na chance na manalo lang ang obvious na sugal. Gaya nang 50-50 chance sa sabong.