Rustico Sangalang

Lolo Boy,

Di po ba Rustico ang tunay ninyong pangalan? Lolo Rusty nga ang isa niyo pang palayaw. Kung si Lolo Naning (Mariano) ang sumabak sa pulitika, ikaw naman ang shobiz.

Napanaginipan ka raw ni Kris, Yung pinakabunso sa aming magpipinsan. Sabi niya, kasama mo raw si Lolo, nagyoyosi daw kayo. Hanggang ngayon ba hindi niyo pa tinitigil yan?

Ilang pelikula ba ang nagawa mo? Hindi ko na maalala kasi yung iba, hindi pa ata ako pinapanganak e pinalabas na. Mara Clara nga lang ata ang naaalala ko. Sabi ni mommy, driver daw ang role mo doon, e hindi ko naman matandaan.

Aantayin daw natin yung laban ni Manny Pacquiao bago ka magpahatid dun sa pupuntahan mo. Sabi kasi ng pari, sunduin daw siya sa oras na matapos ang laban. Napaka indefinite naman nun kaya hindi na ata ako makakasama. May pasok pa kasi ako nang alas sais e. E pano kung alas kwatro magsimula ang laban, e di late ako for sure.

Andami mong bisita kagabi. Karamihan pulutiko. Malapit na kasi ang eleksyon, e sa kung hindi mo natatanong, si tita emy at si tito senic, magkalaban ata sa pagka meyor yung mga boss nila. Medyo nagkakabanggaan, kahit sa picture pa lang. Magulo talaga ang pulitika. Sa bagay, hindi naman nalalayo ang pulitika sa showbisnes.

Sige po, paki kumusta na lang po ako ke Lolo Naning. Ingat po kayo sa mga yosi at kendi siyan sa langit. Kasi pag umubo kayo, baka kumulog.

Oo nga pala, nakangiti ka po pala sa kabaong mo. Siguro masaya ka dahil ang libing mo e sa araw na pagkapanalo ni Pambansang Kamao nang pampitong championship, kahit na sa tingin ko e maliit ang kabaong mo para sayo.

Isa ka pong Kampeon, mahusay na tagapagdala ng apelyidong Sangalang.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *