Coca Cola glass from McDo

Panahon na naman ng pasko. Marami na namang freebies na makukuha tayo. Isa na dito ang sikat na sikat ngayon na Coca Cola glass na mabibili sa McDo for 25pesos only kapag umorder ka ng kahit na anong Value Meal (50pesos sulit meals not included)

Hindi po ako binayaran ng McDo para sa post na ito, pero dahil tried and tested ko na ang kanilang CocaCola baso, syempre ishe share ko ang kwento sa inyo.

Parati kasi ako nawawalan ng baso sa bahay. Nababasag, dumudumi, nagkaka-crack, at minsan napagsasawaan lang talaga. Kaya ngayon, ang baso ko sa bahay ay isang charcoal color Coca Cola glass.

Ang baso nila ay makukuha sa anim na kulay: blue, lime, green, pink, charcoal, at purple. Gusto ni gf yung kulay na pink. Kaso lang, parati yun out of stock kasi yun ang mabenta. Kapag nakahanap ako ng available na ganun, bibilhin ko kagad para sa kanya. Kaso, hindi ako makakita e. Lime ang color ng glass niya ngayon.

Nakibasa na rin ako sa ibang mga website; at nakakuha ako ng trivia, alam ba ninyo na sa ibang mga lugar sa USofA, libre lang ang mga baso na ito kapag bumili ka ng large Value Meals? Oo, libre lang. Siguro dahil ayaw na nila magpa large ng Meals nila doon dahil kahit tapos na ang recession, diet daw sila. Tsaka yung dating clear glass na binenta sa atin last year, (na hanggang ngayon e buhay pa sa bahay nila Glorien), e kasama sa selection of glasses nila dun.

Sa aking pag gamit ng baso for 1 week now, masasabi ko na talagang matibay ang Coca Cola glass. Syempre glass yun kaya normal lang na mababasag pag nahulog, kaya handle with care lang. Sino ba naman ang maghuhulog ng baso, e di natapon yung laman.

O ano na? convinced na ba kayo? Punta na sa McDo at bumili na ng Value Meal para maka avail ng baso. Bisitahin na ninyo si Ronald McDonald!

Ay! wrong picture.. eto pala si Ronald McDonald.

Go na!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *