Johnny Delgado

Sir, kumusta na po? Kelan po ba ang susunod ninyong pelikula? Sana malapit na, kasi namimiss na po namin kayo.

photo kinuha sa www.pep.ph

photo kinuha sa www.pep.ph

Ang showbiz nga naman po talaga noh; yung pinoy na may halong kastila ninyong pangalan na Juan Marasigan Feleo ay gagawan pa ng screen name na Johnny Delgado para lang magtunog amerikano at tangkilikin ng tao. Kunsabagay, kapag hindi malakas ang dating ng pangalan mo, madali kang malilimutan kahit gaano ka pa kagaling umarte.

San nyo po ba nilagay yung mga trophy ninyo nung nanalo kayo ng Best Actor. Naalala ko pa noon, nanuod kami ng Tanging Yaman ng pamilya ko sa sinehan. Punung puno ang sinehan nun. Hindi pa uso ang reserved seating kaya pumasok kami kahit na standing room only na lang daw. umupo ako sa gilid ng pader habang pinapanuod ko kayo.

Maganda po ang pag-portray ninyo doon. Yung ugali po ninyo doon, pareho po ng sa tatay ko. Siguro, dapat din bigyan ang tatay ko ng parangal kagaya ninyo.

Mabibilang po ninyo ang mga aktor na kagaya ninyo; yung versatile na pwede sa Goin Bananas at pwede din sa Tanging Yaman. Hindi po lahat kasinggaling ninyo. Ampanget po kasi kapag nakita mo na nag full comedy si Piolo Pascual. Hindi rin kami sanay na mag full drama si Bayani Agbayani.

photo from flickr.com (or kung sino man member ng flickr)

photo from flickr.com (or kung sino man member ng flickr)

Yung Cancer po, mahirap po talagang kalaban yan. Kahit si Master Rapper po, hindi kinayanan yan. Pasensya na po at wala pa tayong gamot para sa Cancer. Kung meron lang sana, e di dapat buhay pa kayo Dadoods.

Wag po kayo magalala, marami pa pong artista sa panahon ngayon. Hindi pa po sila lahat lumilipat sa pulitika.

Walang pong makakapantay sa galing ninyo. Maraming salamat po at nai-share ninyo ang talento ninyo sa aming mga Pilipino.

Hanggang sa muli po. Sana ma-release na yung movie ninyo kasama si FrancisM, Michael Jackson, at Cory Aquino. Nauna na nga pala yung lolo ko na aktor din. Sana po magkita kayo dyan sa langit.

Rest in Peace po. Isa ka pong kampeon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *