Ganito ba ang eleksyon sa Pinas?

May nasagap akong balita, nagkaroon daw ng kung anong kaguluhan sa Maguindanao kung saan may 100 Militia na nangidnap ng kapwa Pilipino. Speculation nila, away-pulitika. Clan versus clan.

Pwede bang hindi na lang kasama sa Pilipinas ang Maguindanao? Biruin mo, para lang pigilan na makapag file ng candidacy yung kalaban mo, papatayin mo na ang staff and crew niya. Kahit na magsama pa sila ng journalists, papatayin din.

Armed Forces spokesman Lieutenant Colonel Romeo Brawner said earlier that gunmen linked to a powerful politician had seized 40 people, including his political rivals and 20 local journalists.

Tapos, kapag nireport sa news. eto ang lumalabas:

DAVAO CITY, Nov. 23 (Xinhua) — Unidentified gunmen seized on Monday 40 people, including 20 journalists, in the province of Maguindanao, southern Philippines.

xun hua net

MANILA, Philippines – (UPDATE) At least twenty-one people who were among a group of local politicians and journalists abducted in Maguindanao province in southern Philippines on Monday have been found dead, the military reported.

inquirer

Anak nam puta.. dahil sa klase ng report na yan, parang ang problema ay nasa Davao City, o kaya nasa Manila.

FYI po inquirer at xinhua, ang Maguindanao po ay hindi malapit sa Davao, at lalo namang hindi malapit sa Manila. Natatakot po ang mga turista na pumunta sa bansa natin dahil nasasapawan ng ganitong news ang mga balita tungkol ke pacman at ke kuya efren.

Nakakapag buo ng private army doon sa lugar na yun dahil pinapayagan ng gobyerno natin. ang Maguindanao (sabi sa Wikipedia) ay nasa Autonomous Region of Muslim Mindanao. Samakatuwid, pinapayagan ng gobyerno natin na maghari ang local clans doon at gumawa ng balita na nakakaapekto sa kalakarang pambansa ng Pilipinas.

Kung ako masusunod, extremes lang ang gagawin ko dyan. it is either tatanggalin ko sa Pilipinas ang lugar na yan o kaya naman ay lagyan ng government control. Asan na ba yung mga kabalikat nating mga sundalong Kano?

Nakakainis talaga ang mga ganitong balita. Hindi pa tapos ang filing of candidacy nito. Sure ako, mas marami pang away pulitika na mangyayari.

Kaya mo ba resolbahin ang ganitong problema Noynoy? Ikaw Manny? Si Gibo kaya? Kung buhay pa si FPJ, kahit siya sumugod dun mag-isa, sigurado kaya niyang talunin lahat na mga yan.

0 responses to “Ganito ba ang eleksyon sa Pinas?

  1. nakakalungkot. nakakatakot. nakakairita.

    lahat ng to nangyari dahil sa nyetang eleksyon na walang kabuluhan!!!

  2. sad. sad. sad.
    .-= Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD´s last blog ..SILIP SA BUHAY-PARI (PART THREE) =-.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *