Online Greenhills

Kailangan mo ba ng cellphone? wala ka bang budget para sa brand new na high end phones? Kung oo ang sagot mo sa mga tanong na to, pareho tayo ng sitwasyon.

Sikat ang greenhills shopping center kapag cellphone ang pinaguusapan. Parang divisoria ng mga cellphone doon. Mga orig, peke, chinaphone, imate, second hand, brand new, lahat na ata ng klase ng mobile phone meron.

Pero ang post ko na ito ay hindi tungkol sa Greenhills. May mas maganda pang dapat puntahan pag cellphone ang pinaguusapan.

Ito ang tipidcp.com. Dito ka makakapag buy and sell ng lahat ng klase ng cellphones, cp accessories, chargers, etc.

Noong dati na naghahanap ako ng cellphone, naniwala ako sa sabi sabi ng nakararami. Nagpunta ako sa greenhills at bumili ng mumurahing chinaphone. Nadiskubre ko na hindi ako sinuwerte sa cellphone na yun at ngayon, kahit nasakin pa siya, paperweight na lang ang silbi niya ngayon.

Never na akong bibili sa greenhills. Lalo na pag nagtitipid ako.

Si pinkmaldita naman ay naghanap ng cellphone. At dahil sa experience ko sa greenhills na yan, nagpunta pa rin kami dun; hindi para bumili kundi para maghanap lang ng model na gusto niya.

Nang malaman na namin ang preference niya, nag online na kami at naghanap sa tipidcp.com. Kailangan namin ng touchscreen na phone na mura lang.

Nakakita kami noon ng motorola rokr e6.

Nakabili kami sa tipidcp.com ng e6. Second hand phone na hindi na dumaan sa dealer kaya mas mura siya kumpara sa presyo sa Greenhills.

Magandang phone yun. Matibay ang mga motorola phones. Nangangain lang ng tanga. Kaya dapat pag-aralan mo munang gamitin. Hanggang ngayon nga, hindi pa rin alam ni pinkmaldita ang lahat ng features ng phone niya.

Minsan na rin nasira yun software ng phone pero may support forums naman para maipakita kung pano ayusin. So naging matapang ako at inayos ko lang siya. Sa awa ni Lord, naayos ko naman.

Di naglaon, ako naman ang naghanap ng phone. Gaya ng dati, punta muna ng greenhills para mag window shopping. Nagustuhan ko ang qwerty phones.

Bumalik na naman kami sa tipidcp.com. Nakabili kami ng Motorola q9h

Malakas ang sounds ng phone na ito. Mas mura siya kesa sa e6 ni pinkmaldita. Enjoy din akong mag GPRS dito. at dahil may decent phone na ako, nagpa linya na rin ako at kinuha ang number na 0917KAMPEON.

Ngayon naman, naghahanap si pinkmaldita ng secondary phone. Para lang sa SMART sim card niya. Pantawag lang sa parents niya sa Ozamiz. Alam na ninyo siguro kung san kami pupunta para sa task na ito.

..

photo credits:
  • itechnews.net
  • neopunk.blogia.com
  • newlaunches.com
  • carkitstunter.nl
  • cellaz.com

0 responses to “Online Greenhills

  1. laptop, meron ba?
    .-= Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD´s last blog ..SILIP SA BUHAY-PARI (PART THREE) =-.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *