Uncle "R"

Hello po.

Hindi pa po tayo magkakilala. Ako nga po pala si promking, ang ikalima sa mga kampeon ng pagibig. Ako po ang bf ni PM.

Sila papa, ok naman daw po sila. Ang balita ko, siya daw ang naglalaba ngayon dahil injured daw ang pinky ni mama. Pero ok lang po sila sa bahay nila.

Sila PM, ok lang din. Dito po sila nagtatrabaho ng kapatid niya sa Makati. Kahit na malayo, naka-adapt na po sila sa buhay sa Maynila.

Inaasahan ko po nga pala kayo na makadalo sa lahat na mga espesyal na araw na darating. I will make sure po na maipaaabot sa inyo yung mga invitation. Kaso lang po, hindi ko nga po alam kung paano. Never pa po tayo nag-meet e.

Nagsusulat po pala kayo. Naghahatid ng balita sa mga tao sa Barrio ninyo. Pangarap ko din po makapagbahagi ng balita sa nakararami; kahit na panget na balita, basta maihayag lang. Napakaganda pong propesyon yun. Kaya nga po ngayon, sinisikap kong gumaling sa pagsulat gamit ang aking blog.

Sayang po at hindi ninyo natapos ang huling assignment ninyo. Naharang po pala kayo ng mga tauhan ng isang Jahrakal. Although dapat e may mga kasama kayong mga alagad ng batas, wala pong tumulong. Naipit pa kayo sa away ng Legion at Hellbourne. Napakadelikado rin pala ng trabaho ninyo noh?

Ganunpaman, nagpapasalamat po ako dahil sa buong tapang kayong sumugod para magawa lang ang inyong tungkulin. Hindi ko po alam kung magagawa ko rin yun kung ako ang nasa posisyon ninyo. Ngayon pa nga lang po, takot na ako magbigay ng real names dahil baka may mabangga ako. Pero kayo, basta lang maihatid ang balita na magbibigay ng kahit kaunting sinag ng pagbabago sa lugar ninyo, handa kayong sumugod.

Kahit po mabagal, unti-unti din naman pong gumagalaw ang mga tao sa lugar ninyo. Ganun din naman ang sambayanang Pilipino. Lahat gusto kayo bigyan ng hustisya, kasama ng iba pang mga manunulat, civilian at kababaihan.

Bayani po kayong maituturing. Tunay po kayong kampeon.

0 responses to “Uncle "R"

  1. mabuhay ang mga tunay na kampeon!
    .-= Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD´s last blog ..SILIP SA BUHAY-PARI (PART THREE) =-.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *