Ka Andres

Kahapon, habang nagliliwaliw ako sa internet, nakita ko ang sign na ito:

At syempre, nag react ang mga nagmamalinis na matatanda. Sabi nila (kasama na ata ako doon) dapat pagsabihan at pangaralan ang mga kabataan ngayon. Hindi na nila pinahahalagahan ang kabayanihan ng ating mga National Heroes.

Wala na silang kilalang mga bayani kundi sila Son Goku, Naruto, Bayani Fernando at Bayani Agbayani.

Asan na ba ang mga magulang at mga titser ng mga batang ito.

Kahit pa siguro Holiday ngayon, may pasok din ako. Double pay nga lang.

Para sa akin, tunay ka pa ring kampeon Ka Andres. Ikaw ang ulo ng Himagsikan. Ikaw at iyong mga kasamahan ang gumamit ng Pyramiding Scheme para sa ikabubuti ng bayan. (Hindi kagaya ng ibang ginagamit ang scheme na ito para magpayaman). Kung wala ka, hindi magkakaroon ng lakas ng loob ang mga tao noon para mag alsa laban sa mga mananakop. Lider ang kinailangan nung panahon na iyon, at isa ka sa mga lumitaw at nanguna.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *