PS Bank Savings..

Matagal ko na pinapangarap na magkaroon ng Savings account. Para naman hindi pang estudyanteng style ang ginagawang kong pagtitipid gamit ang 10 litre mineral water bottle. Maliit daw kasi ang nasi-save pag ganun ang style mo.

Kaya nang pumasok ang 13th month pay, sinigurado ko na ang fraction nito ay gagamitin ko pambukas ng savings account sa bangko.

Ang napili kong bangko; Philippine Savings Bank, aka PS Bank.

Pangalan pa lang, makaka save ka na talaga.

So nagpunta nga ako doon. Yung branch na pinakamalapit sa amin. Sa may JRU yun.

Walang tao sa bangko kundi mga empleyado lang nito: dalawang guard, isang teller, isang accounts executive, isang asst manager, isang manager, at isa atang janitor. Hindi kasi sikat na bangko ang PS Bank (di gaya ng BDO, BPI).

Syempre sa account executive ako lumapit dahil meron siyang sign board na [NEW ACCOUNTS]. Sinabi ko sa kanya ang gusto kong mangyari at nag decide ako na magbukas ng savings account with ATM na ang minimum maintaining balance ay 2k.

Pumirma ako ng pumirma at nagsulat ng pangalan ko ng sampung beses o mahigit. Habang si account executive ay tinatanong ako tungkol sa TIN card ko at sa trabaho ko.

Meron ang PS Bank na 1-day process for ATM. Wala nang pabalik-balik. On the same hour, nakuha ko na ang ATM card ko.

Panahon na ng pagtitipid, hindi kasi ako makapag save ng pera dati e.

Para sa FAQ tungkol sa PS Bank at paano ka makaka avail ng kanilang services, punta ka dito.

Pano na kaya ang aking 10litre mineral water bottle na alkansya?

0 responses to “PS Bank Savings..

  1. ok lang yan hon. dalhin mo sa bangko yung tig10 at tig5 mo. tapos save mo. or tawag ka dun sa bangko mo. tanong mo kung tumatanggap ba sila ng ganun. well dapat naman talaga kasi pera parin yun!

  2. tama un hon…este tsong…pwede dapat un para naman di masyadong mabigat (literally)…

  3. buti ka nga e nakakaisip ng mag ipon ipon,ako till now gastador pa rin.

  4. kahanga hanga ang mga taong marunong magtipid…

    ika nga e, “pag may isinusuksok, may madudulot.”
    .-= Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD´s last blog ..KWELANG PARLOR GAMES =-.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *