LTO Fail

Expiration ng student’s license ko kanina. Gusto ko na maging non-pro o pro ang lisensya ko. kaya nakipagsapalaran ako (habang may dalawang oras na tulog lang) papunta sa LTO office. Alas nuebe na nang makarating ako sa LTO Diliman Licensing Office.

Maraming fixers. hindi sila nauubos. Mataas sila sumingil. Nag window shopping ako ng fixers pero since hindi daw sila nagbibigay ng resibo sa mga transaction mo sa kanila, hindi na ako nagpa fix. Sayang ang pera, wala din naman mapapala.

So, yung usual na procedure na lang ang ginawa ko: drug test, medical, fill up ng form, kuha ng number at mag hintay. Nagpatulong ako sa fixer pero hindi ko siya binayaran. Hindi ako makikipag transaksyon sa hindi nagbibigay ng resibo.

Anak nampucha, 9.40 pa lang tapos na lahat ng form ko. isa-submit ko na lang para masimulan na ang proseso. Kaso, dahil sa hindi malaman na dahilan, nag offline ang computers ng LTO Diliman. Wala silang ma process na submission.

However, meron bukas na window 7 na kumukuha ng bayad windows 6 at 11 na nagti-take ng pictures. Pano kaya nila mapapasok sa computer yun kung offline? Sounds fishy noh? parang nakakagalaw yung mga accounts na may fixers pero yung mga normal na accounts e hindi. Benefit of the doubt na lang yun, wag na natin alamin kung totoo.

Matapos ang dalawang oras, nag-announce na rin sila na walang kasiguraduhan kung maaayos pa ang computers. Yung gusto daw lumipat sa ibang LTO, meron daw sa Kalookan, Tayuman at sa San Juan.

MAY PASOK PA AKO NANG 6pm!!!.

So sumuko na lang ako. Nagpunta na lang ako sa megamall at nakipagkita ki pinkmaldita para maglunch. Inayos niya kasi yung atm niya sa BPI kasama si purplebrat.

Ang mangyayari nito, since hindi na valid ang student license ko, hindi na ako pwede magpa non-pro o pro. Babalik ako sa student license at magaantay ng at least 1 month bago makapagpa non-pro o pro.

Dahil yan sa procrastination. Dapat kasi, matagal ko nang inayos yung lisensya ko na yan.

Di bale, wala din naman akong kotse na minamaneho. Huling driving ko ata e 3-4months ago na.

Hayaan ninyo, isasali ko na lang yan sa New Year’s Resolution ko.

0 responses to “LTO Fail

  1. my mga kontak talaga ang mga fixers sa loob,di lang sa lto kahit sa pagkuha ng pasport, pero sabi mo nga wag na natin alamin ang totoo, kasi sasama lang talaga loob mot magagalit ka lang ng wala sa oras.
    mas masaklap naman ang inaabot ko, hindi accepted dito sa kinaroroonan ko ang international driving license, samantalagang sa ibang bansa e accepted naman,
    kelangan dito ka kukuha ng exam,driving test e pano mo naman masasagot ang exam nila e hindi rin english kundi chinese,kung sa bagay kahit naman magamit ko dito yung license ko di rin ako makakapag drive, dahil puro intsik ang mga karatula dito,ok na narin, wala din naman akong planong bummili ng sasakyan dito,ang gulo ko lol.

  2. pati din sa dfa, dami ring fixers, pati sa nbi carriedo, dami ring fixers….
    .-= Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD´s last blog ..KWELANG PARLOR GAMES =-.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *