Monthly Archives: December 2009

Itanong mo kay …

May mga questions na mahirap itanong. Yun bang hindi mo alam kung sasagutin ba niya ang tanong o di kaya naman ay baka sobrang sophisticated ng sagot niya na hindi mo na maintindihan. Pero ganun pa man, lahat ng conversation ay nagsisimula at nagpapatuloy dahil sa mga question mark.

Pansinin mo, yung mga punchline at pick up lines na ginagamit natin, di ba kadalasan, may tanong doon?

Iba’t iba rin ang mga dahilan kung bakit mahirap magtanong: Continue reading

Belerian pasko

Taun taon, ugali na namin mag-inuman sa pasko. Magsi-set ang isa ng party, bahala siya kung magkano, bahala siya kung saang location.

Sa mga edad namin ngayon, hindi na lahat ay nakakapunta. Pero ganunpaman, tuloy pa rin ang saya.

Eto ang pictures:

Paki click na lang

Link your wordpress blogpost to Facebook notes

Andaming nagtatanong sakin (ex. kitongski, fespina) tungkol sa pag link ng iyong wordpress blogposts papasok ng facebook notes.

Nung una, nahirapan din ako na madiskubre ito. andami ko kasing friends na ginagawa na ang ganitong sistema. dahil curious ako, inalam ko kung paano.

una, naghanap muna ako ng wordpress plugin. nakakita ako, pero hindi pala yun ang tamang step. Continue reading

LTO Fail

Expiration ng student’s license ko kanina. Gusto ko na maging non-pro o pro ang lisensya ko. kaya nakipagsapalaran ako (habang may dalawang oras na tulog lang) papunta sa LTO office. Alas nuebe na nang makarating ako sa LTO Diliman Licensing Office.

Maraming fixers. hindi sila nauubos. Mataas sila sumingil. Nag window shopping ako ng fixers pero since hindi daw sila nagbibigay ng resibo sa mga transaction mo sa kanila, hindi na ako nagpa fix. Sayang ang pera, wala din naman mapapala.

So, yung usual na procedure na lang ang ginawa ko: drug test, medical, fill up ng form, kuha ng number at mag hintay. Nagpatulong ako sa fixer pero hindi ko siya binayaran. Hindi ako makikipag transaksyon sa hindi nagbibigay ng resibo.

Anak nampucha, 9.40 pa lang tapos na lahat ng form ko. isa-submit ko na lang para masimulan na ang proseso. Kaso, dahil sa hindi malaman na dahilan, nag offline ang computers ng LTO Diliman. Wala silang ma process na submission.

However, meron bukas na window 7 na kumukuha ng bayad windows 6 at 11 na nagti-take ng pictures. Pano kaya nila mapapasok sa computer yun kung offline? Sounds fishy noh? parang nakakagalaw yung mga accounts na may fixers pero yung mga normal na accounts e hindi. Benefit of the doubt na lang yun, wag na natin alamin kung totoo.

Matapos ang dalawang oras, nag-announce na rin sila na walang kasiguraduhan kung maaayos pa ang computers. Yung gusto daw lumipat sa ibang LTO, meron daw sa Kalookan, Tayuman at sa San Juan.

MAY PASOK PA AKO NANG 6pm!!!.

So sumuko na lang ako. Nagpunta na lang ako sa megamall at nakipagkita ki pinkmaldita para maglunch. Inayos niya kasi yung atm niya sa BPI kasama si purplebrat.

Ang mangyayari nito, since hindi na valid ang student license ko, hindi na ako pwede magpa non-pro o pro. Babalik ako sa student license at magaantay ng at least 1 month bago makapagpa non-pro o pro.

Dahil yan sa procrastination. Dapat kasi, matagal ko nang inayos yung lisensya ko na yan.

Di bale, wala din naman akong kotse na minamaneho. Huling driving ko ata e 3-4months ago na.

Hayaan ninyo, isasali ko na lang yan sa New Year’s Resolution ko.