Goodbye 2009, Hello 2010

Ayaw namin mag New Year sa bahay. Wala kasi kami paputok at magugulat lang si matematiks kung magpapaputok kami. Kaya naglibot na lang kami kung saan mapadpad.

Casts: nanay ko, tatay ko, kuya ko asawa at anak niya, kapatid ko na bunso, si pinkmaldita at ang ate calene niya. at siyempre ako.

Sumakay muna kami ng kotse.

Nagpunta kami sa lugar kung saan meron mga kakaibang mga nilalang.

Countdown pala yun sa Libis, andun si Arnel Pineda.

Nanuod din si Optimus Prime.

Pero tinulugan lang ni Matematiks ang concert.

Then lumarga na ulit kami. Hinabol namin ang fireworks ni Mayor Lim sa may Baywalk.

Matagal ang fireworks. at nakikita pa namin ang fireworks ng MoA sa di kalayuan.

Then, lumarga na naman kami, tumambay kami sa Luneta.

Maraming tao. Nag piknik kami dun para sa aming Media Noche.

Dun na rin kami natulog at nagpa-umaga.

Ang saya namin.

Ang role ko, taga akyat ng gamit sa sasakyan..

Ikaw, pano mo sinalubong ang 2010?

0 responses to “Goodbye 2009, Hello 2010

  1. penge ako ng mga pictures na yan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *