New Year's Resolution

Marami akong naririnig na mga balita na ang usong New Year’s Resolution ngayon e ang pag-stop sa paninigaarilyo. Yung ibang hindi makapigil, 1-2 sticks per day na lang daw.

So far, merong mga nagsa-succeed. At meron din mga nagfi-fail. Ang importante naman ay ang attitude na may baguhin sa sarili para sa ikabubuti.

I applaud those who try. Kumpara sa mga tao na kagaya ko na hindi gumagawa ng New Year’s Resolution, at least ang mga taong ganito ay concious sa kung ano ang mga kahinaan nila. Maybe, one of these days, mai turn around nila ang mga habit na ito.

Pero ako kasi, TO DO LIST kasi ang ginagawa ko, imbes na New Year’s Resolution.

Ito ang unang isang linggo ng taong 2010. May nasimulan na ba tayo? Anu-ano na ba sa mga to do list natin ang sinimulan na natin?

Sana, hindi ito kagaya ng ibang mga taon. Sana, kahit papaano, may matapos tayo. At wala naman kasi tayong matatapos kung hindi natin ito sisimulan.

Eto nga pala ang TO DO LIST ko for this year.

1) Makakuha ng Driver’s License.

2) Mas kumita pa ng mas maraming pera kumpara sa 2009.

3) Makabili ng laptop or mabuo yung isa pang desktop PC sa bahay.

4) Makapagpa-stable ng aking Savings Account na at least 50k ang laman. =)

5) Makapag detoxify ng body.. ahahaha.

6) Makapunta sa Boracay or sa Bohol.

7) Makapagpa-party para sa High School Alumni namin.

Ikaw, meron ka bang TO DO LIST? May nasimulan ka na ba?

0 responses to “New Year's Resolution

  1. Same here.
    To do list kasi ginagawa ko.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *