Avatar, a new look into the Human Alien

Alam mo ba ang pakiramdam na nasa lugar ka na hindi mo teritoryo. Hindi mo alam ang gagawin mo. Iba ang mga nilalang na nakapaligid sa iyo. Iba ang kanilang salita.  Feeling mo mga alien sila, pero ang totoo, dahil ikaw ang stranger at ikaw ang bumisita; ikaw ang alien at hindi sila.

Parati ko itong nararamdaman kapag nasa Ozamiz ako. Hindi kasi ako talaga marunong mag bisaya.

Wag na natin pag-usapan yung tungkol sakin, dito na lang tayo sa topic of the post: ang movie na tinatawag na Avatar.

By definition, Avatar is a visible manifestation or embodiment of an abstract concept; archetype.

Sa movie na ito, Avatar ang tawag dun sa katawan ng isang Na’vi na kino-kontrol ng utak at kamalayan ng tao. Ginagamit nila ang Avatar para makipag communicate sa mga Na’vi ng planetang Pandora dahil gusto ng mga tao na makakuha ng mga precious minerals mula sa nasabing planet.

Maganda ang story. Sa totoo lang, alam ko na ang concept na ito na ang tao ang villain at ang mga strange creatures ang mga bida (dahil sa mga tagalized horror stories nung bata ako na hindi ko na alam ang title).

Umiikot ang story kay Jake Sully na isang ex-marine na lumpo na natuwa dahil nga kapag naka-Avatar mode siya, hindi na siya lumpo. Kinalaunan, mas nagustuhan pa niyang maging isa Na’vi at tinalikuran niya ang obvious namang wicked goal ng kanyang original race which is Humans.

Gustung gusto ko ang concept na ang lahat ng tao ay mga built in computers na nakakapag synchronize sa kahit na anong flora at fauna gamit ang kanilang USB link sa dulo ng kanilang mga braided pony tails. I am sure kapag naging robotic na ang human race, maiinsert na ang ganitong technology sa mga katawan natin.

Nagustuhan ko din ang iMax experience na dala ng Mall of Asia. Para ka talagang nasa loob ng movie dahil lahat ng part ng movie; lahat meaning from start to end, ay 3D. Sulit ang 400pesos. Kahit na mukha kaming mga alien dahil sa 3D glasses, ayos lang.

Sobrang long ng movie, about 160 mins. Pagkatapos ng palabas, blockbuster ang CR dahil andaming nagpigil ng wiwi para lang walang ma-miss.

Avatar is a must see for everyone. I give it a 4.5 out of 5 stars.

0 responses to “Avatar, a new look into the Human Alien

  1. parang kokey lang yan… si kokey ang bida, tao ang kalaban…. kamoteman was here

  2. tama ka promking, super astig ang movie na to… nagtataka nga ako may nagsabi kc na maganda lang daw ang graphix…cguro hindi lang nila naintindihan hehe

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *