Text ni Utol ep.2

Dahil sa text ni utol na mag-usap kami, nagtaxi na ako pauwi. Di ko na pinatagal, dahil baka malaking problema yun.

Pagbukas ko ng pinto ng kwarto namin, tulog na siya. Bukas ang computer. Nagbihis ako at umupo sa harap ng computer bago ko siya gisingin.

Tinanong ko kagad, “O ano?”

Medyo inaantok pa siya, pero binuksan na rin ang usapan tungkol sa Multi-Level-Marketing. Alam niya kasi na yun talaga ang pinag-aralan ko at kahit na hindi sa school nakukuha ang kaalaman tungkol sa MLM, na experience ko na rin ito nung 2nd year college ako.

Inayos ko ang sarili at nagtext ke gf na nakauwi na ako. Tinanong ko na rin ke wikipedia kung ano ang opinion niya tungkol sa MLM.

Multi-level marketing (MLM), (also called network marketing, direct selling and referral marketing) is a term that describes a marketing structure used by some companies as part of their overall marketing strategy. – wikipedia

Siyempre, sinabi ni utol sa akin kung anong company ang nag-invite sa kanya at paano siya na-invite. Sinabi niya na rin sa akin kung magkano at ano ang plano niya.

Binuksan ko na ang laro na Heroes of Newerth. Gusto ko maglaro ng HoN.

Oo nga at medyo AKNY (Alam ko na yan) na ako sa topic na yun dahil napag-aralan ko na ng personal pero dahil kapatid ko siyan akinig naman ako at binigay ang aking mga opinion tungkol sa issue.

Pumasok ako dati sa MLM nung estudyante pa ako. Ngayong siya naman ang estudyante, medyo pinigilan ko na siya kasi hindi naman ganun ka-astig ang MLM.

Bibigyan ko na lang kayo ng detalye sa kung ano ang opinion ko tungkol sa MLM sa susunod (at panghuling kabanata).

Napagkasunduan namin na sa Pick Up Artistry muna siya mag focus; para gumaling siya talaga sa pagkilala at pagkilatis ng mga tao.

Siguro masasabi natin na “problema sa pera” ang cause ng utol ko na makipag-usap sa akin. Malaking return talaga ang MLM kapag sinusuwerte ka, pero napakalaki din ng risk ng negosyo na to.

Kinuwento ko sa kanya na hindi yun ganun kadali. Sinabi ko na rin ang figures, numbers at percentages ng success ng business na yan. Meron din pros at Cons yang ganyang business at siyempre, ang aking personal theory tungkol sa pyramiding at MLM.

0 responses to “Text ni Utol ep.2

  1. Cool! Networker ka din? First Vita Plus yung sa ‘kin eh. Hehe! Currently naka 9 heads ang family namin dito. And yes, andami na blessings. Goodluck nga pala sayo!
    .-= Bogcess´s last blog ..Nokia and NAVTEQ Build up Ovi Maps =-.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *