Blogger’s Block

Sure ako na nae-experience mo rin ito. Ito ang counter part ng Writer’s block para sa mga bloggers. Since blogger ako, may karapatan akong mag define kung ano ang ibig sabihin nito. Dahil ito ang nae-experience ko ngayon, ito na lang ang magiging topic ko.

Ang Blogger’s block ay isang pangyayari sa buhay ng blogger kung saan ay hindi siya nakapagsusulat sa kanyang blog kahit na meron siyang oras na gawin ito. Meron akong tatlong klase ng Blogger’s Block na ishe-share sa inyo ngayon:

  • Marahil ay dahil yung mga naiisip niya na topic ay hindi naman napapanahon. Gaya ng pagsusulat tungkol sa mga multo sa panahon ng Valentines. Tawagin natin itong Wrong Timing Blogger’s Block.
  • o di kaya naman ay para sa kanya, hindi worth it na isulat dahil malalayo sa niche ng kanyang blog. Gaya na lang ng pagsulat tungkol sa species ng flora at fauna sa Japan, gayong pulitikang pam-pinoy ang topic ng blog mo. Wrong Audience Blogger’s Block.
  • o kaya naman ay wala lang talagang pumapasok na topic sa utak para isulat. Ito ang tinatawag kong Ultimate Blogger’s Block.

Dahil sa mga dahilang ito, mapapansin mo na ang interval ng mga blogpost mo ay umaabot na ng 1 week. Para sa isang nagpapaka-active na blogger, masyado nang mahaba ang isang Linggo.

Sigurado naman ako na may nangyayari sa buhay ko ngayon, gaya na lang ng birthday ng kuya ko kahapon. Kahit na walang celebration, nagluto naman ng pansit si mommy. Feeling ko naman, hindi trip ng mga readers ng blog na ito na malaman ang recipe ng nanay ko sa Miki-Bihon; at malayo naman sa pagiging kampeon ang topic na yun.

Ikaw ba, ano na ba ang experiences mo tungkol sa Blogger’s Block?

0 responses to “Blogger’s Block

  1. haha no problem 🙂

    nasa panahon siguro un, after ng holiday rush, ngarag tayo lahat haha
    .-= pehpot´s last blog ..Let’s Try SunSung =-.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *