loadcentral.net

Lahat tayo may cellphone. Yung iba nga sa atin, dala-dalawa pa ang cellphone; isang smart, isang globe. Minsan may pangatlo pa para sa sun cellular, para nga naman konektado tayo kahit na sinong tao.

Kami sa pamilya namin, puro kami naka globe o suncell. globe na kasi yung number namin dati pa. at pagdating sa mga unlitxt na yan, expert ang mommy ko dahil kahit mga luma naming kapitbahay sa laguna, nakiki-konek pa rin siya gamit ang pinakasikat na means of communication sa Pinas: ang text messaging.

Dahil dito, parati nagpapaload ang nanay ko sa suking tindahan. Kapag sarado na ang tindahan at kailangan niya ng load, sakin siya nagpapa-pasa. Dahil nga naka linya naman ako, pwede ako magpasa ng load, kaso nga lang, mahal ang service charge.

Kaya kinausap ko yung officemate ko na agent ng iconex. Tinulungan niya akong mgaing retailer ng loadcentral. Basta merong internet access, pwede kang makapagload. Kung wala namang internet access, basta alam mo ang mga keyword at syntax, pwede gamitin ang cellphone ko na pangload. Instant Negosyo!

Hindi lang cellphone load ang nabebenta gamit ang load central. Pwede rin magbenta ng Level Up Top Up cards. Mobius cards, Kahit Smart Bro cards, pwede. Habang may pera pa sa load wallet, load lang ng load.

Sa mga relatives, friends, officemates at sa kahit na sinong stranger. FYI po, retailer na ako ng load central. pwede nito na akong lapitan kung kailangan ninyo ng load. Negosyo ito kaya kailangan magbayad kayo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *