Monthly Archives: March 2010

Sup Call

Ngayon ang unang araw ng pag-take ko ng supcall. Medyo na promote kasi ako galing sa isang Executive/ Call Center Agent papuntang Executive/Call Center SME. Kami ang nagta-trabaho ng mga medyo komplikadong trabaho na hindi kayang tapusin ng mga Call Center Agent.

Sa Call Center industry, SME is the short term for Subject Matter Expert. May mga ganitong posisyon usually sa mga Technical Accounts kung saan kailangan ng experience tungkol sa products na ino-offer ninyo. Hindi kasi lahat ng tao, kaya kabisaduhin ang pasikut-sikot ng isang application o program.

Kahit ako SME na, hindi ko pa rin masasabi na lahat ng gusot sa mga produkto na handle namin, e kaya ko nang lusutan. Syempre, andyan pa rin ang mga hindi ko kabisado na Enterprise Accounts. Buti na lang meron mga mababait na bisor ang tumutulong sa akin pag may hindi ako naiintindihan.

Stepping stone talaga ang move ko na ito. I will make sure na pagkatapos nito, supervisor position na ang kakanain ko. Kelan pa kaya yun? So ayun ang balita sa akin. Pasensya na hindi pa ako makakapanlibre dahil may binabayaran pa ako. Pero sa birthday ko this year, maghahanda ako sa bahay.

Punta kayo ha.!

Pineda, Pacquiao at ang Rosaryo

Sabi ng iba, mas pang knockout pa raw ang pagkanta ni Arnel Pineda ng “Lupang Hinirang” kesa sa mga suntok ni Pacquiao ke Clottey.

Pero dahil nga sobrang konserbatibo ng mga Pilipino (na hindi ko naman maintindihan kung bakit), binabatikos na naman ang pagkanta ng lupang hinirang. sa lahat ng kumakanta ng lupang hinirang – pinagbabawalan silang mag express na kanilang sariling rendition ng awiting ito.

nasan na ang kalayaan?

bakit ganun? ang batas pa natin ang naglilimita sa ating kakayahan.

i don’t feel the freedom.

—————————————–

di bale na, panalo naman si pacquiao. siya pa rin ang WBO Welterweight champion of the world.

Sobrang tigas nung kalaban niya. Malakas talaga si Joshua Clottey. Isang libong suntok sa loob ng isang oras. hindi man lang natinag.

Unforgettable ang laban na to dahil dito ko lang nakita na ginamit ni Pacquiao ang pompyang. Round 3 nun. Kaya siguro hindi perfect ang scores ni Pacquiao dahil binawasan siya ng dalawang judge sa round 3 dahil sa pompyang

Di pala pwede yun sa boxing. Akala ko pwede. FPJ RIP.

Medyo ok na rin ang interview ke Pacquiao sa dulo ng laban. Hindi rin kasi magaling mag english ang kalaban niya kaya medyo nasapawan niya ng onti.

—————————————–

Gaya ng lahat ng mga naging laban ni Pacquiao, nagsusuot siya ng medalyang rosaryo sa kanyang leeg kapag nanalo siya. Parang ngayon, hindi dramatic ang pagsuot niya ng rosaryo.

Pero isipin mo na lang rin; sa dami ng suntok ni Pacquiao, para siyang nagdarasal ng rosaryo. Paulit ulit, walang tigil na suntok. Kahit sabihin pa nila na ulit ulit lang; basta malimit, epektibo.

Gaya ng pagdarasal ng rosaryo, boring para sa marami ang laban. Ok lang, kahit hindi tumumba ang kalaban, panalo pa rin naman.

May mga pagkakataon na nakakasuntok si Clottey, nagiging distraction yun sa mala-rosaryong suntok ni Pacman. Pero ayos lang, tuloy pa rin siya sa suntok. Di bale nang maliit, basta malimit.

Uulitin ko pa ba? Ang rosaryo ay parang suntok ni Pacquiao ke Clottey. Epektibo ang malimit, lalo na pag paulit-ulit.

An Open Letter: Calling Everyone to THINK

An Open Letter: Calling Everyone to THINK

by Yahn

Dearest Voter,

Nawa’y sa iyong pagboto ay i-set aside mo muna ang personal biases mo. Bago mo isulat ang ngalan ng iyong kandidato ay nawa’y mapag-isipan mo ng husto ang traits and qualities nya as a leader. Sana hindi ka mabingi sa mga specific nyang pangako na kung hihimayin mo’y wala naman talagang kasiguruhang maisasakatuparan. Dahil kapang nariyan na rin lang siya sa posisyon, magiging objective na rin sya. Hindi na rin nya maisasaalang-ala ang inyong pinagsamahan.

Madalas nating maisip na ang malaking bulk ng responsibilidad at pag-iisip ay nakakasalalay sa isang leader. Ngunit hindi natin namamalayang ang kakarampot na oras na laan ng botante sa pagpili ng kanyang kandidato ay higit na mas mabigat na responsibilidad. Kung anong ikinasaglit ng pagmumuni-muni, ay sya namang sakit sa ulo sa pagwe-weigh down ng choices. Ngunit hindi tayo nararapat ng tumigil sa pag-iisip. Tandaan natin na pananagutan natin ang sinumang mailuluklok sa posisyon, whether we like it or not.

Muli, sa pagboto natin ay paganahin nating maigi ang pagiging kritikal natin. Let us see the bigger picture. Wag tayong padalos-dalos sa gusto nating marinig. Let’s view things in a better perspective. Sukatin ang leader in terms of measurable variables, and not just based on what they now say before us. Words are mere words. Wag tayong paligoy-ligoy sa vague statements. Suriin natin instead kung sinong malawak ang grasp ng kaisipan (experience) at hindi lamang malawak ang pananaw sa iisang concern.

Higit sa lahat, isaalang-ala natin ang grupong ating pinanghahawakan. Ang tanong: sa kandidatong ito ba ay kampante akong nasa mabuting kamay ang aming pangkat? O sa kandidatong ito ay matutugunan nya lamang ang nais ng iilan sa amin? Wag na wag ring kalilimutan ang respetong laging nilalaan para sa leader–kandidato mo man sya o hindi. Handa ka bang igalang sya sa ayaw at sa gusto mo?

Botante… oo, mahirap talagang mag-isip. Sakit sa ulo ang dulot nito. Pero mas mahirap naman magsawalang-kibo. Pero ang importante sa lahat ay ang paninindigan. Tandaan natin ang laging manindigan. Stand up not just for what is right, but for what you believe in. Stick, and always do so, to your principles. When all else fails, ito ang makakapitan mo.

Mag-isip. PLEASE. At manindigan.

Lubos na gumagalang,
Kapwa Botante

“Those who are too smart to engage in politics are punished by being governed by those who are dumber.” – Plato quotes

hinarbat mula sa friend ko sa Tabulas

Kwentong Bus

Sumakay kami ng bus galing sa Export Bank sa Buendia Ave. Papunta kami sa Glorietta dahil bibili kami ng Zagu. Mainit kasi ang panahon at summer ngayon.

Air con naman ang bus. Tama lang ang timpla ng temperature at medyo nakakaantok ang palabas. Sa ganitong pagkakataon, wala ka nang ibang pwedeng gawin kundi manuod ng mga tanawin sa kalsada.

Andyan na rin ang mga drama at kilos ng bawat isang bumababa at sumasakay ng bus.

Kumusta naman ang isa naming kasakay na babae. Medyo Seksik siya, maputi, makinis ang balat at naka maiksing palda. Ok naman siya; ang problema lang, umuupo siya sa center aisle seat. at hindi lang yun, nakausli pa ang strap ng bag niya na nakakasagabal sa lahat na dumadaan.

Hindi lang ako ang nakapansin nito. Nang mabakante ang upuan na nasa likod ng babae, may isang bosing na nakaputi ang nanggaling sa dulo ng bus na bigla na lang lumipat doon. Nang makaupo na siya. Lumilingon lingon pa siya.

Scary.

Medyo tinignan ko ang mga kilos niya. Suspicious looking. Parang may masama

siyang balak.

Pinakiramdaman ko ang sitwasyon. Medyo pinakiramdaman ko rin ang apat kong

bulsa kung naroon pa ang mga kagamitan ko. Hindi na ako naglabas ng cellphone o ng wallet at baka ma-target pa ako. Hinayaan ko muna at pinanuod ang susunod na pangyayari.

Buti na lang at may sumakay na lola. gusto ni lola umupo sa katabi ni bosing. Hindi makatanggi si bosing kaya napa urong siya papunta sa windows seat.

Pero bago siya umurong, lumingon uli siya sa likod.

I grabbed the opportunity para makita kung sino ang nililingo

n niya. At para nga siyang may ka eye contact dun sa likod. Blue ang damit. Hindi ko na tinignan ng maayos. Malakas ang kutob ko na trouble ito.

Kaya niyaya ko na ang mga kasama ko kung gusto nila lumipat ng bus. Agree

naman sila kaagad dahil medyo aware din sila sa mga nangyayari.

Wala akong napansin na pulis para pagsumbungan ng suspicious looking person na to. Kaya diretso na lang kami sa Glorietta para mag-Zagu.