Monthly Archives: April 2010

Glorien 23rd Birthday

At syempre pa, Birthday nio Hon nung April 8.

Nag-mañanita kami nung Eve ng birthday niya. Kahit lunch lang ni Rio at ng iba pang mga kasama, naidaos naman namin ng maayos.

Pwede palang pan-mañanita ang Your Love by Alamid at It Might Be You.

Mañanita, by definition is a serenade done on the eve of someone’s birthday.

Kinagabihan nun, nagkaroon ng maliit na salu-salo sa bahay nila. Dumiretso na rin sila kung saan para maglasing.

Eto Pictures:

Happy Birthday Hon.

Pico de Loro

Next stop, Pico de Loro. Exclusive resort siya developed by non other than Henry Sy’s SM Development Corporation.

Dahil nga hindi pa talaga open ang laht ng amenities ng resort, dun muna kami sa beach club. SObrang calm ng water dahil nasa loob looban nga siya ng Hamilo Coast cove.

Salamat ke Pong Riva dahil siya ang member dito.

Eto pictures, as usual, paki-click na lang para makita ninyo lahat.

Babalik kami sa Pico whenever we have time (and budget). Sayang ang beach!.

First Birthday ni Benedict

Sorry sa mga avid fan ng blog ko, ngayon lang ako nagkapanahon para dito e.

Pero update ko lang kayo ng pictures, para di naman kayo ma-late sa happenings sa buhay ko.

Unahin natin ang birthday ni Benedict, April 1, 2010. First birthday niya ito kaya medyo special.

The Sunday after ng kanyang birthday, nag-celebrate siya sa Marikina. Spongebob ang theme ng birthday kaya halos lahat ay naka yellow.

Naghost ako ng program at nagpalaro ng games sa mga bata doon. Yun lang ang talent ko e.

Kaya yung mga susunod na birthday dyan; available po ako mag host ng children’s party. Ready na ninyo mga papremyo, ako bahala magpahirap sa mga bata. ahahaha.

Oo nga pala, may bumisita palang international superstar sa birthday ni Benedict. Kaso wala yung mga ka-grupo niya e.

Happy Birthday Benediiiiict!!