Monthly Archives: June 2010

Bagong presidente 2010

Sir, sa totoo lang, hindi naman ikaw ang binoto ko e. Hindi dahil sa wala akong bilib sa iyo. Hindi lang talaga nagtutugma ang priorities natin.

Ganunpaman, mas malaking porsiyento ng populasyon ng Pilipinas ang pumili sa iyo. Hindi ko rin alam kung bakit, pero para sa sistema ng Demokratikong Pilipinas, wala akong magagawa na sumunod.

Mamaya, manunumpa ka na sa harap ng sambayanan. Tatanggapin mo nang tuluyan ang hamon ng panahon. Sa loob ng anim na taon, ikaw ang magmamaneho ng Bus patungo sa daang matuwid.

Sabi ng iba, pare-pareho lang naman yan. Nagbabago lang ang mukha, pero pareho naman ng gawa. Para sa akin, malaki ang pagkakaiba. Pinuno rin akong maituturing. Kadalasan, palpak din akong magdesisyon. Kung mahusay lang ako, ako sana ang nasa lugar mo ngayon.

Ang akin lang magagawa ay manumpa din sa sarili kong paraan. Sumumpa ng katapatan sa bansa pinamumunuan ng anak ng bayani. Sumumpa na tumulong sa pag-unlad ng bayan, sa sarili kong paraan.

Wala naman akong hinihiling na magarbo at espesyal. Tama na sa akin ang maayos na kalsada. maliwanag na lansangan, payapang paligid, kahandaan ng sandatahan sa panahon ng pangangailangan, at mga pagamutan kapag ako ay nagkasakit. Nariyan na yang mga yan para sa akin, pero para sa mga kapatid ko sa iba’t ibang panig ng mundo, sana nariyan rin ang mga ito para sa kanila.

Patas na laban lang ang hinihiling ko.

At alam kong kayang-kaya mo ito.

Handa ka na ba, Noynoy Aquino?

GIKF Outreach 2010

This time sa Lucena na naman kami. For the 2nd consecutive year; ako na naman ang host..

Continue reading

Para kang bata

Playful akong tao. Kapag trip ko sumayaw, sasayaw ako. Pag trip ko tumakbo, tatakbo ako. Yun ay dahil gusto ko at walang makapipigil sa akin.

Kung minsan, ang ganitong asal ko ang dahilan kung bakit hindi ako siniseryoso ng mga kasama ko sa trabaho. Oo nga at alam nila na may husay at galing naman ako, pero pag kagaguhan ang pinaguusapan, number 1 din ako dun.

Pag napapansin ito ng gf ko, parati niya akong pinagsasabihan. Sabi niya itigil ko na raw yung mga trip trip ko. Hindi daw ako magiging effective na leader kapag ganun ako umasal. Sabi niya rin na ilagay ko sa lugar ang kulit ko. Hindi daw kasi talaga nakakatulong.

Mahirap kasi para sa akin ito. Ever since kasi, ang paniniwala ko sa buhay, “We do not stop to play games because we get old.. We get old because we stop playing!”

. .. . .. ….

May point naman siya, wala naman ako angal don. Kaya nga nagpapasalamat ako sa mga paalala niya.

Siguro nga, I need to change my ways. Matanda na tayo, hindi na dapat puro laro. Pano tayo si-seryosohin ng mga mas bata sa atin kung nag-aasal bata tayo.

Ilagay na lang natin sa lugar ang laro. Gaya ng pag-gawa ng schedule..

Haaaayy, nakakatuwa talaga si HoN.. Sana hindi na siya magalit sakin.

WWF

Ang Makati Business District ay punung puno ng mga underpass. pag tatawid ka sa Ayala Ave, kailangan mo bumaba sa pedestrian underpass at doon maglakad. Ganito kasi kami sa Makati, ganito sana sa buong bansa.

Sa paglalakad ko sa isa sa mga underpass, nakita ko na naman ang mga nanghaharang na mga tao. Sila ay taong walang ibang ginagawa kundi mag solicit ng tulong para sa kanilang environmental projects. Minsan, para sa mga hayop ang project nila. Minsan naman para sa kalikasan.

Medyo good mood ako kanina, kaya naman nang dumaan ako sa underpass ng Makati at hinarang ng mga taga WWF, nakipag-usap naman ako. Nag-sign up ako para maging Individual Donor.

Masaya talagang mag-share ng blessings. Iba talaga ang feeling ng nakakatulong ka. Sure naman na legitimate ang donation ko at siguradong may papupuntahan kaya ayos na ayos sa akin ang ganun.

Sabi nga sa kanilang website, “It will take many years of effort just to preserve our environment.” Hindi na dapat tayo mag-antay ng tulong from the First World Countries. May sarili silang environment na dapat protektahan. More than anything, Pilipinas ang dapat manguna sa preservation of natural resources. Andami kaya nating yamang kalikasan.

Para sa mga gustong maging Donor sa WWF, simulan na natin ito. Come on, click the Panda.