Pagtitipid Tip #1

Sakto na lang ang pera ko hanggang sweldo. Kung bibili ako ng kendi, kukulangin na ang pamasahe ko para makauwi. Kahit alkansya ko, vacuum na; wala ka nang madudukot.

Kahapon, nagsabi ako sa nanay ko, “mami, mag-baon na lang ako.” “Bakit? Hindi naman Linggo a, meron naman tindang pagkain sa pantry ninyo.” Sumagot ako sa pinaka-honest na tono, “wala na ko pera e.”

Nag-offer naman ang nanay ko na magpautang. Pero mas pinili ko pa rin ang magbaon na lang.

Mas maganda kasi magbaon ng pagkain ngayon. Gumagana na kasi ang TV sa pantry namin. At saktong SNN pa ang palabas sa oras ng lunch ko. Medyo chismoso din kasi ako e. Hugas plato nga lang pagkatapos.

Dinuguan ang baon ko kahapon. Ewan ko mamaya kung ano. Sabi ng nanay ko, pork steak daw. E ang recipe ng nanay ko sa pork steak, sindami ng karne ang sibuyas.

Yummy!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *