Bejeweled Blitz Tips

Adik ako sa Facebook app na Bejeweled Blitz. Kada magbubukas ako ng aking Facebook account, mabilis akong nagsi-scan ng mga updates at nagbabas ang mga messages dahil gusto kong mag switch ng mga gems from side to side, top to bottom, in 3’s or greater numbers, para sumabog ang mga ito.

May mga Facebook friends ako na sure na adik din dito. Yung nanay ko nga ang nagturo sakin kung pano mag Bejeweled kaya may mga friends siya na linggo linggo ko rin namang pilit na tinatalo. Hindi ako pumapayag na mas mataas ang scores nila sakin.

Para mapalawig pa ang aking kakayahan sa Bejeweled, nag research ako sa internet ng Tips. Ang pinaka useful sa mga nakita ko e ang paraan kung pano ka magkakaroon ng multiplier.

To gain a multiplier, you should produce “A single swap of tiles which will eliminates 12 or more tiles”

Nang nabasa ko to, napatanong ako sa sarili ko..

“Ano daw?”

Kaya binasa ko ulit.

“A single swap of tiles which will eliminates 12 or more tiles”

Tunog imposible yan. Never pa akong nakapagswap ng gems na biglang nakakapagpasabog ng isandosenang gems.

Pero nung binasa ko kung paano talaga to mangyayari, mas naintindihan ko naman.

Kapag nag galaw ka ng gems, at nag cascade ang board, at nakapagpasabog ka ng iba pang gems, counted yun. Kaya naman pala importante ang mga power gems dahil magagamit mo ito para makapag pasabog ng mas maraming gems.

Eto nga pala ang pinakamataas kong score.

Ikaw, anong Facebook apps ang kinaa-adikan mo?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *