My LTO experience

Isa sa mga items sa aking TO DO List para sa taong 2010 ang pagkuha ng non-pro na lisensya. At bago makuha ito, kailangan ko muna dumaan sa pagkuha ng student permit.

Kanina, sa kadahilanang rest day ko naman, minabuti ko nang magpunta sa LTO sa may Mandaluyong para kumuha ng student permit. Gaya ng dati, nagdala ako ng mga ID dahil alam kong kailangan yun.

Timecheck: 9:30am

Nag pa photocopy ako ng TIN card at ng Voter’s ID, nag fill up ng form, at nagsubmit sa window 5 ng requirements. Matapos nito, nag-antay ako na tawagin ang pangalan sa window 6 para sa photosig.

Dito na nagkaproblema.

Nananadya ata itong LTO e. Sabihin ba naman na nag offline at nagri-reboot sila ng system, isusunod na raw nila sa reboot ang lunch nila, kaya mag-antay daw kami ng ala una. (11.20am pa lang nun).

JP pursigido ang eksena ng lolo ninyo. Minabuti ko na mag-antay at makinuod sa TV nila. Nang mga bandang 12nn, nagpunta ako sa BPI para magbayad ng aking credit card at kumain na rin sa isang karinderya sa tapat ng JRU. Nang malapit na ang ala una, bumalik na ako.

Tinuloy ko na ang pag-aantay. Akala niyo mapapasuko ninyo ako ng ganito kadali. Hindi na ako kagaya ng dati uy.

At yun nga, matapos ang mga 30 mins, tinawag na ang pangalan ko, nag-antay ng photosig. Umupo ako at nakinuod ng TV ulit hanggang sa tawagin ang pangalan ko sa window 1 para magbayad ng Php318. THen diretso na sa window 8, tambay ulit ng onti at pumirma sa papel para makuha ang official receipt at ang aking student driver’s license.

Timecheck: 2:20pm

Ngayon naman, mag-aantay ako ng isang buwan bago magpunta sa LTO office kung saan pwede kumuha ng non-pro na lisensya.

Humanda sila pagdating ng araw na yun, sisiguraduhin ko na makakuha ako ng non-pro na lisensya. Kahit na ilang offline at lunchbreak pa ang gawin nilang excuse.

0 responses to “My LTO experience

  1. hi! tnx for joining BNP! ur blog has been posted! u can also vote for ur favorite blogs! d top 5 highest rated will be highlighted n d Hall of Fame 😉

    you can also follow BNP’s tweets at http://twitter.com/blogsngpinoy
    .-= BNP´s last blog ..•··• WELCOME TO BNP! •··• =-.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *